Paolo's POV:
Paglabas ni Yumi sa hospital we both decided na dito na muna kami sa bahay ng Mommy niya titira. Hindi pa kasi siya pwedeng magkukumilos at mag buhat ng mabibigat. Hindi ko rin siya mababantayan palagi dahil kailangan kong maghanap ng trabaho.
Speaking of trabaho, I asked her to quit her job..
At araw-araw naming pinagtatalunan ang issue about work..
"Hindi ako magre-resign.." Sagot niya.
"Ang tigas ng ulo mo.. Saka ka na bumalik sa trabaho kapag nakapanganak ka na.." Sagot ko.
"Tss.. Hindi nga pwede.. Kailangan ko ng pera para ready ako sa paglabas ni baby.." Sagot niya.
"That's why I am here.. I'll pay for everything.. I'll support you.." Sagot ko.
Umiling siya.
"Hindi ko kailangan.." Sagot niya.
Hay!
Ang taray talaga..
Pero okay lang..
Buntis eh..
Pagpasensyahan nalang natin..
"Mayumi.. can you please stop and just listen to me?" Tanong ko.
"Paolo.. just give up.. Hindi na ako magpapadala sayo.." Sagot niya.
"Alam kong galit ka sa akin.. And you don't want to be near me.. But we're expecting A BABY! Hindi ba natin pwedeng kalimutan muna ang mga nakaraan and focus on the most important matter right now? 'Wag naman nating idamay ang bata sa issue natin.." Sagot ko.
She looked at me at kita ko sa mga mata niyang parang kumbinsido naman siya sa mga sinabi ko.
"Okay.. I agree.. Stay hanggang sa manganak ako.. Pwede mong saluhin ang lahat ng gastos.. But after that you have to leave.." Sagot niya.
Masakit sa aking marinig ang mga sinabi ni Yumi. But deep inside my heart alam kong hindi pa kami tapos. Alam kong may pagasa pa na makuha ko ulit si Yumi. I am not giving up on her or our baby.
"Okay.. If that's what you want.. I'll be gone after you give birth.." Sagot ko.
Unless ma-fall ka ulit sakin..
---------------------------
Yumi's POV:
Alam kong masakit ang mga sinabi ko kay Paolo kanina. Hindi ko man sinasadya ang mga 'yon pero ang bottom line, nakasakit pa rin ako.
Hay..
Kung alam lang nila..
Gusto ko din naman sanang ayusin 'yong sa amin ni Paolo. Pero natatakot na ako. Ilang beses ko na ba siyang binigyan ng pagkakataon? Gaano katagal na ba akong naghintay na mahalin niya rin ako?
Hindi ko alam kung napagod na ba ako o nagsawa pero sa ngayon, parang hindi ko pa siya kayang tanggapin sa buhay ko.
"Babe.. what do you want for dinner?" Tanong ni Paolo.
I looked at him.
Did I hear him right?
"Uhmmm.. Kahit ano.." Sagot ko.
"Are you craving for something Filipino or Chinese or Western?" Tanong niya.
"I want.. liempo.." Sagot ko.

BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romantizm❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)