SEVENTEEN

80 7 0
                                    

Paolo's POV: 

Pagkatapos ng trabaho, inaya ko ang mga kaibigan kong uminom. I called Kenneth, the guy I worked with sa Golden Ladder dati at  dahil love life ang problema ko, sinabihan ko siyang isama na rin si Karen, his girlfriend.

Forever third wheel nalang talaga siguro ako.. 

Ilang minuto na rin akong umiinom ng dumating si Kenneth at Karen. 

"Ledesma! Kamusta?" Bati ni Kenneth. 

"Okay lang pre.. Kayo?" Tanong ko. 

"Ito.. Ikakasal na.." Sagot ni Karen. 

"Talaga?!" Tanong ko. 

Parehas silang tumango sabay abot sa akin ng invitation card nila. 

"Wow! Congratulations guys!" Sagot ko. 

"Yeah..  Sa dinami-dami pala ng pinagdaanan namin sa simbahan pa rin ang tuloy namin.." Sagot ni Kenneth. 

"I know.. Buti pa kayo.." Sagot ko. 

"Oh.. Anong problema? Akala ko after ng Batangas mas lalo kayong naging close ni Yumi? Sa inyo siya tumira diba?" Tanong ni Kenneth. 

"Yeah.. Pero nagkaroon kami ng problema and she moved out.. Ngayon she's renting her own condo.." Sagot ko. 

"Ohh.. Sayang naman kayo.." Sagot ni Karen. 

"Oo nga.. sinadya nga naming ipagsama kayo sa iisang kwarto sa Batangas pera mas lalo kayong maging close eh.." Sagot ni Kenneth. 

I laughed.

"Mga loko-loko talaga kayo.." Sagot ko.

--------------------------

Yumi's POV: 

Halos maghahating gabi na when someone decided to call me. 

"Ay ano ba naman 'yan! Kung kailan naman patulog na ako eh!" Reklamo ko. 

I took my phone from my bedside table to see that it's Paolo who's calling me. 

"Anong kailangan ng lalaking 'to?!" Tanong ko sa sarili. 

Wala na sana akong balak sagutin ang tawag niya pero ayaw tumigil sa kakatunog ang telepono ko. I thought it's important so I decided to answer it. 

"Hello.." Sagot ko. 

"He.. hello.. Si Paolo to.." Sagot niya. 

"I know.. I have your number.." Sagot ko. 

He laughed. 

"Oh.. You do? Great then.." Sagot niya. 

Teka.. 

Lasing ba 'to?

"Paolo.. Where are you?" Tanong ko. 

"Me? Uhmmm.. Nasa bar.. Umiinom.." Sagot niya. 

"Okay.. Then.. sige na.. Have fun with your friends.." Sagot ko. 

"Yeah.. Sure.. Thanks.." Sagot niya. 

After answering me Paolo ended the call and I decided to go back to sleep. 

**** 

Ang sarap na sana ng tulog ko pero bigla akong nagising dahil ring ng ring ang cellphone ko. 

Ugh! 

I looked at the time to see that it's almost two in the morning. 

WHO THE HECK IS CALLING ME AT THIS HOUR?! 

OFFICIALLY DATING (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon