Paolo's POV:
After Manila Club, Yumi and I decided to go to the mall because she needs to restock on her personal stuff. Bago kami lumabas sa kotse, Yumi decided to talk to me about something.
"If CDC hires us.. uhhmm... That means matatagalan pa ako dito sa Pilipinas diba?" Tanong niya.
"Depende.. Some projects nakukuha namin ng lesser than a year.. Bakit?" Tanong ko.
"Well I was thinking that since matatagalan pa naman ako dito.. I think it would be best kung kukuha nalang ako ng sarili kong tirahan.." Sagot niya.
Ito na naman siya..
Laging issue sa kanyang nakatira kami sa iisang bahay..
"Yumi.. Ito na naman ba tayo?" Tanong ko.
"Well.. Ano ba kasi ang dahilan bakit sa inyo ako nakatira? We're not related.. I am just a friend at work.. And for me that's not enough reason para manatili ako sa inyo ng libre.." Sagot niya.
Huminga ako ng malalim.
"Sinabi ko naman sayo diba? Okay lang.. At mas gusto nga ni Mommy na nasa amin ka eh.." Sagot ko.
"Isa pa nga pala si Tita.. I think mas mabuti kong sasabihin na natin sa kanya na hindi tayo.. Umaasa kasi siyang tayo Pao.. And I don't want to break her heart.." Sagot niya.
"So kung sasabihin natin sa kanya ang totoo sa tingin mo hindi siya masasaktan?" Tanong ko.
"Well.. Yes.. Masasaktan siya.. But at least hindi na natin pinatagal pa.. Mas maaga nating sasabihin, mas maaga niyang matatanggap ang totoo.." Sagot niya.
Tumango ako.
May point naman siya..
"Kung gusto mo talagang sabihin sa kanya ang totoo edi ikaw ang mag sabi.. I don't want to break my Mom's heart.. So you do it.." Sagot ko.
I know..
I am being a jerk right now..
Eh ayoko eh..
"Are you being serious right now?" Tanong niya.
I looked at her.
"Yumi.. I don't want to do it.. Na disappoint ko na siya dati.. I don't want to do it again.." Sagot ko.
"Are you.. talking about you and Bianca?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Umasa talaga si Mommy that Bianca and I would end up together.. Apat na taon kaming magkasama sa Amsterdam.. We raised Lucas together.. Pero wala eh.. Umuwi pa rin siya sa taong mahal niya.." Sagot ko.
"May anak kayo ni Bianca?" Tanong niya.
Umiling ako.
"Wala.. Sila ni Alex ang may anak.. When Bianca got pregnant, things are not working well for her and Alex.. His family doesn't approve of their relationship pero sinubukan nilang ilaban ang relasyon nila.. Kaso because of that she almost lost her son.. Muntik ng mawala si Lucas sa kanya.. So doon na siya nag desisyong iwanan si Alex.. I brought her to Amsterdam.. We started a new life together at kasama ng pagpunta namin doon ang pag-asang baka pwede na kami.." Sagot ko.
I know it's personal..
But she deserves to know the story..
"Hindi natin kayang kalabanin ang pagmamahal.. You tried your best.. Pero bumalik pa rin si Bianca kay Alex.." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romance❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)