Paolo's POV:
It's has been weeks since Yumi left home. From that day, I decided to forget about her and just focus on things that really matters.
Si Bianca, Lucas at ang trabaho ko..
Araw-araw kong nakikita si Yumi sa site pero we kept our distance. Hindi kami masyadong naguusap and we only approach each other kapag trabaho ang issue.
We became strangers...
While her and Lance are getting closer and closer..
"Engineer.." Tawag sa akin ng isa sa mga architects namin.
"Yeah?" Sagot ko.
"Uhmmm.. Nakita niyo na po ba 'tong revised na plano para sa suite?" Tanong niya.
"Uhmmm.. Hindi pa.. May bagong plano ba?" Tanong ko.
"Ay opo.. May suggestion kasi si Engineer Abella last week and Sir Lance considered it.. So we made a new plan.. Ang sabi ni Engineer Abella siya nalang daw po ang mag i-inform sa inyo.." Sagot niya.
"But she didn't.." Sagot niya.
"Sa tingin ko nga po hindi kayo na-inform kasi mali po 'yong materials na pina-deliver niyo kahapon.." Sagot niya.
"Yeah.." Sagot ko.
After that talk I had with our architect, I decided to visit Yumi's area and ask her about the change. Wala naman akong balak na awayin siya kasi alam kong sobrang busy niya sa trabaho at malaki talaga ang chance na nakalimutan niyang sabihin sa akin ang tungkol sa bagong plano.
But then I saw them..
Lance and Yumi..
Hugging each other..
So ang kaninang plano ko na 'wag mag simula ng away ay biglang nagbago.
--------------------------
Yumi's POV:
Lance and I talked about us. He said he likes me and he's willing to wait until I Paolo's not in the picture anymore pero I confronted him and told him that he should move forward with his life. Ayaw niya pa sanang pumayag but eventually I managed to convince him.
"Sayang.. You're one good catch.." Sagot niya.
"I know.. At hindi na rin sana ako lugi sayo.. But.. wala eh.. pasaway 'tong puso ko.. Iba talaga ang gusto.." Sagot ko.
He smiled and hugged me.
Masaya na sana ang ending ng conversation namin ni Lance. We managed to talk things out at wala na sanang problema. Kaso Paolo came and for some reason he was so mad.
"So.. Pag siya nag request ng changes aprobado agad?" Tanong ni Paolo sa amin.
Lance and I looked at him.
"What?" Tanong ni Lance.
"You decided to make changes on my area without even telling me.. So nag order ako ng mga materyales na mali because I was not informed of the changes.." Sagot niya.
Oh..
He's talking about the suite rooms..
"Paanong hindi ka informed.. I told my asisstant to tell you about it.." Sagot ko.
"Well apparently nakalimutan niya.. So thank you so much for being so selfish.. Sobrang pabida ka kasi.." Sagot niya.
That stings!
Ow!
"Hey! Watch your mouth!" Saway ni Lance sa kanya.
He smirked.
"Oh.. Ano? Ipagtatanggol mo kahit mali? Dahil ano? Dahil syota mo? Tssss! Maging professional ka naman Lance.." Sagot ni Paolo.
"Tama na.." Saway ko.
"Wow! Ano kampihan? Grabe.. Akala ko dati santa ka Yumi.. Pero tignan mo 'tong ginagawa mo.. Kakapit ka talaga sa taong alam mong malaki ang pakinabang mo eh no? Ang baba mo naman.." Sagot niya.
Strike two na 'yon!
Dahil naghalo na ang inis at galit ko hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Nasampal ko si Paolo and it was out of anger. Sobra niya ng nasasaktan ang damdamin ko so I needed to do that.
"Sobra ka na!" Sagot ko.
He looked at me.
"At least nagagalit ako for the right reasons.." Sagot niya.
"Pero mababaw ang dahilan mo.." Sagot ko.
"Wow! At sino ka para sabihing mababaw ako? Eh ikaw nga 'tong pumatol sa boss mo.. And you did that because of what? Dahil may libreng pa condo? Kahit anong gawin niyo sa trabaho okay lang? Kahit mag landian sa oras ng trabaho walang sisita kasi nga pinatulan mo ang boss mo!" Sagot niya.
This time hindi ko na talaga napigilan ang emosyon ko. Sinagot ko na rin siya ng pasigaw.
I gave him what he wanted..
"Oh ano naman?! Ano naman kung maglandian kami ni Lance sa trabaho? Kahit na maghalikan kami sa harap ng ibang tao? Boyfriend ko siya! At walang mali sa ginagawa namin! Maayos pa rin kaming nag ta-trabaho.." Sagot ko.
Hindi ko na inisip ang mga mangyayari dahil ang gusto ko lang, gumanti. I wanted to gave him a taste of his own medicine.
Kaya ayan..
Natahimik siya pagkatapos niyang marinig ang sinabi ko.
--------------------------
Paolo's POV:
Para akong binuhusan ng mainit na tubig ng narinig ko ang sinabi ni Yumi. I was not able to answer her for a couple of minutes dahil sinubukan ko munang i-process ang narinig ko mula sa kanya.
"What?" Tanong ko.
Hindi ko naman sana kailangang marinig ulit ang sinabi niya dahil klarong-klaro naman ang bawat salitang binitawan niya. But I decided to ask her again dahil umaasa akong baka bawiin niya pa ang sinabi niya.
"Kami na ni Lance.." Sagot niya.
And there it is..
Her confirmation...
Marami na rin naman na akong balitang naririnig tungkol sa kanilang dalawa pero hindi ko pinansin ang mga iyon.
I didn't want to believe it..
Hindi ko matatanggap if ever sila na nga..
"Okay.. Congratulations to the both of you then.." Sagot ko.
Labag man sa loob ko, sinubukan ko pa rin ngumiti. Ayokong ipakita sa kanila na nasasaktan ako. After all, kasalanan ko naman kung bakit nawala si Yumi sa akin. Hindi ko mabitawan si Bianca at mas pinili kong pakawalan si Yumi.
Choice ko 'to..
So papanindigan ko..
"Thanks! And about those materials you ordered.. ako na ang bahal.. Ipapabalik ko 'yon sa supplier.." Sagot ni Lance.
"No.. I can manage.. Ako na ang gagawa.." Sagot ko.
Tumango siya.
"Okay.. Your choice.." Sagot niya.
I thought wala na kaming dapat pagusapan so I decided to leave the area. Tinalikuran ko sila and walked away from them.
Damn!
I was expecting them to fall for each other pero hindi ko inaasahan na ganito kabilis nilang magugustuhan ang isa't-isa.
Parang nawala na naman sa akin ang babaeng gusto ko..
At sa isang Cheng na naman napunta!
--------------------------
BINABASA MO ANG
OFFICIALLY DATING (COMPLETED)
Romance❤ DATING SERIES ❤ This is a sequel of Secretly Dating. Check out Paolo and Yumi's story :)