[Portia]
Konting-konti na lang at dadapo na ang kamao ko sa mukha ng lalakeng 'to! Napapikit ako nang mariin at nagpanggap na lamang na wala akong naririnig. Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi pinansin ang mga ikinukuda niya.
"Do you still have some sauce? Can you give me a little more?" nakadungaw na tanong na naman niya mula sa likuran ko. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at huminga ng malalim.
"Manghingi ka sa flight attendant."
"How about an extra rice?"
"Manghingi ka rin sa flight attendant."
Isa pa, tatadyakan ko na 'to.
"Okay. But how about your veggies? Can I have—"
"Anak ng pating! Manghingi ka sabi sa flight attendant!!" Gigil na akong tumayo at hinarap siya. "Trip mo ba talagang sirain ang araw ko? Alas nuebe pa lang ng umaga, Atty. Smith. Marami pa 'kong appointments today kaya utang na loob, 'wag mo 'kong badtripin."
Mabilis na itinaas niya ang dalawang kamay sa magkabila niya. Tahimik siyang bumalik sa seat niya.
Hindi ko naman gustong sigawan siya pero kasi ang kulit kulit niya! At saka bakit ba kasi niya 'ko kinakausap? Ayoko siyang kausap!
"Ma'am? Sir? May problema po ba?" nag-aalalang tanong ng flight attendant na nagmamadaling lumapit sa amin. Kabado pa ang itsura nito dahil napalakas yata ang pagsigaw ko. Nahiya ako nang slight kaya tumingin ako sa kabilang side at inis na bumalik na lang ako sa seat ko. Bahala siyang makipag-usap d'yan! Kasalanan naman niya kung bakit ako sumigaw.
Inubos ko ang pagkain ko at hindi ko na inabala pang tignan sila. Nagsalpak na lang din ako ng earphones at itinodo ang volume ng music ko hanggang sa hindi ko namalayan na lumapag na pala kami. Magkasunod kaming lumabas ng eroplano na kaming dalawa lang pala ang sakay. Jusko hindi man lang nanghinayang 'yung airline! Sayang 'yung ibang mga seat!
"Bruha ka, nasa'an ka na?!" galit na sigaw ko kay Mona sa kabilang linya.
[On the way na teka ang traffic—pucha sino 'yung bumangga sa 'ken?!]
Napasapo agad ako sa noo ko nang marinig ko si Mona na nakikipagtalo na sa kung sinumang poncio pilatong bumangga sa kanya. Ugh! Mukhang malabo nang makarating agad dito ang babaeng 'yon.
Kunot noo kong tinignan ang oras sa wrist watch ko. Sana pala hinayaan ko na lang si Hugo na sunduin ako. Lecheng Monalisa kasi 'yon at paepal sa bago niyang car!
Nagdadabog akong dumiretso sa kung saan ang pila ng mga taxi. Ang hassle shet! Napahawak na lang ako sa batok ko pagkakita sa mga nagkalat at nag-uunahang mga pasahero sa pagsakay.
Bakit hindi sila nakapila ng maayos?!
Napapikit ako at hinilot ang sumasakit ko ng ulo. Tapos pagmulat ko pa ay lalo akong nai-stress na nakita ko si Sam sa tabi ko. Siya yata ang may dala ng kamalasan ko sa araw na 'to!
Hindi ka makikisakay sa kanya, Portia. Kahit alukin ka pa niya ng ilang beses... hindi pwede, kuha mo, self? Mabilis akong tumango sa sarili ko habang medyo humahangos pa. Inabangan ko agad ang susunod na taxi na darating. At nang natanaw ko na, tumakbo na agad ako bago pa ko maunahan ng iba.
"What the hell?"
"I held it first."
"Bakit hindi ka sa sasakyan mo sumakay?!"
"Do you see my car beside me? Ako kasi hindi ko makita," pamimilosopo niya. Luminga-linga pa ang bwiset! Kinuha ko ang pagkakataon para unahan siyang sumakay sa taxi pero putspa! Sumakay din siya!
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...