Portia
Akala ko kanina magiging si Rapunzel na naman ako sa haba ng hair ko. Ewan ko ha kung tama ba 'yung nakita ko or nag-a-assume na naman ako. Pero kase...kulang na lang ay magsuntukan silang dalawa kanina sa sama ng tingin nila sa isa't-isa. Gets ko naman iyong inasta ni Hugo dahil syempre may gusto sa 'kin 'yung tao, pero iyong kay Sam?
Hindi ko alam. Hindi ko ma-gets. Ang labo.
Pero mas lalong hindi ko makuha kung bakit namin siya kasama ngayon dito mismo sa aming hotel room. Bigla na lang siyang pumasok kanina nang walang pakundangan!
"I forgot that I need to discuss something with you," sabi niya habang seryosong nakatingin sa 'kin. Lumapit pa si Tammy sa kanya at humilata sa kanyang kandungan.
Loko 'tong aso na 'to, ah. Harap-harapang magpakita ng favoritism. Tsk.
"If it's work-related, I guess sending me an email will do," kalmado pero mataray na tugon ko.
"It's not work related," mabilis at deretsahang sagot naman niya. Hindi ko tuloy napigilan ang lalong pagtaas ng kilay ko.
"Then what is it for?"
"Can your guy leave first?" he asked with a bit of irritation in his voice. Napabuga ako ng hangin at hindi makapaniwalang napatingin sa ibang direksyon.
Salubong ang kilay ko na nagbalik ng tingin sa kanya.
"He can't." Hinawakan ko pa ang braso ni Hugo na nakaupo sa armrest ng couch ko. "Kung hindi naman tungkol sa trabaho ang pakay mo, hindi ako interesado, Atty. Smith. So if you don't mind, makakaalis ka na dahil may meeting pa 'ko."
Limang minuto na 'kong late sa virtual meeting namin at paniguradong nagtataka na ang mga katrabaho ko dahil never akong na-late sa kahit anong trabaho simula nang lumipat ako sa Cebu.
Sabay-sabay kaming napatingin sa likuran ko nang marinig namin ang pag-iyak ng kapatid ko. Shit. Muntik na naming makalaimutang kasama pala namin si Keanna!
"Ako na ang bahala sa kanya," nakangiting pangunguna ni Hugo. Tipid ko itong nginitian at agad na inasikaso ang kapatid ko. Nahuli ko ang matamang pagtingin niya sa dalawa sa likuran ko.
"So her name is Keanna," bulong niya habang nakatitig pa rin sa dalawa. "Ang laki niya na."
"Matalino din 'yan. Manang mana sa 'kin." Agad na lumipat ang mga titig niya sa 'kin.
"Really, huh?"
"Oo naman," confident na tugon ko pa.
Wala pa kasing 1 year old kay Keanna noong naghiwalay kami. At saka hindi ko rin naman nakukwento sa kanya noon ang tungkol sa kapatid ko dahil sobrang dami na ng problema naming nagsulputan. I had no time to share my personal life with him just like how he lost his time with me.
Ugh. Stop reminiscing bad memories, idiot!
Palalayasin ko na dapat ulit siya kaso biglang nag-ring 'yung phone niya at hindi naman ako bastos para itaboy siya nang may kausap. Nakasimangot ko siyang hinintay na matapos.
"It's already midnight there, why did you call? Wait...what? Why didn't you tell me?" Umasim ulit ang itsura niya at hindi ko man gustong makinig sa usapan nila, wala akong choice dahil magkaharap lang kami.
So he's talking with that Keira. Of course I know that girl very well. Ang babaeng muntik ng sumira sa lovelife ng best friend ko. Tsk. Nagpakahirap pa 'kong maghanap noon ng voodoo doll para lang orasyunan ang babaeng 'yon at layuan si Christian! Which I think umeffect naman dahil ngayon kasal na ang best friend ko. Hehe.
"Okay okay pupunta na 'ko." Ay wow. Urgent? Nagmamadali? Importante?
Pero pake ko ba?!
Inilapag niya si Tammy sa sofa bago tumayo at ibinalik sa bulsa ang phone niya. Nagpaalam siya na aalis na pero kinuha ko lang si Tammy at saka ko na siya tinalikuran. Pake ko kung aalis na siya? Edi umalis siya. Gusto niya bang ihatid ko pa siya? Grrr. Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto nang tuluyang nakalabas na siya.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...