Kabanata 27
When I was still in high school, one of my teachers instructed us to write an essay on how we see ourselves 10 years from now. Meaning, this is the time I was referring back then from my essay. And I wanna congratulate my 14 year old self for keeping what I wrote on that piece of paper.
Isinulat ko roon na nakikita ko ang sarili ko na nagbibigay boses para sa mga naaapi. Typical thinking ng isang batang wala pang eksaktong target profession sa utak, maliban sa pag-iisip na makatulong sa iba.
Bata pa lang kasi ay namulat na ako sa pinaniniwalaan nilang kapag nanahimik ka---hindi ka mapapahamak. Katulad na lamang ng pananahimik ni Mommy sa mga kalokohan ni Daddy.
Sa murang edad kong iyon, lagi ko na siyang tinatanong---bakit? Bakit siya nananatiling tahimik sa kabila ng mga harapang pagtataksil ni Daddy sa kanya? Ang sagot lang niya sa 'kin noon ay dahil ayaw niya ng gulo. Ayaw niyang madamay ako kapag nagsalita siya. Ayaw niyang mapahamak ako kaya nanahimik na lang siya.
Nanahimik siya hanggang sa hindi na niya kinaya. Nanahimik siya hanggang sa siya na mismo ang tumapos sa paghihirap niya.
Napakabata ko pa noong mangyari iyon ngunit iyon ang mas nagmulat sa 'kin upang huwag maging pipi sa mga bagay na nararapat bigyang boses para marinig.
I still haven't thought about being a journalist when I was that age, pero habang lumilipas ang panahon ay unti unti kong natutuklasan ang larangan kung saan ako nararapat.
Galit na galit ako kay Daddy noon pero wala naman ng magagawa ang galit ko. Hindi na nito maibabalik pa ang buhay ng Mommy ko.
Nagpasya ako na mag-desisyon para sa sarili ko nang tumuntong ako sa kolehiyo. Umalis ako sa bahay pagkatapos pakasalan ni Dad si Allyson---ang babaeng dahilan kung bakit nawalan ako ng ina.
Wala akong pake kahit na kinailangan kong magtrabaho para matustusan ang sarili ko. Hindi kasi pabor si Dad sa gusto kong kurso pero dahil mapilit, wala na siyang nagawa. Iyon nga lang, I had to support myself without asking any help from him.
I wanted to prove something to my father. Gusto kong patunayan sa kanya na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa nang walang tulong niya. Dahil kailanman, hinding hindi ko matatanggap ang bagong asawa niya bilang parte ng aking pamilya.
Mabuti na lang din at dumating sa buhay ko si Adara. I couldn't imagine my college life without her. Wala man siyang alam sa family background ko, naging sobrang malapit kami sa isa't isa na parang tunay na magkapatid. Sobrang blessed ko na lagi siyang nasa tabi ko sa tuwing humahantong ako sa puntong naiisip kong hindi ko na kaya.
Bawat araw ko sa kolehiyo ay namumulat ako sa iba't ibang sakit ng lipunan. Hindi lang pala problemang pamilya ang mahirap harapin. Sapagkat may mas malalang suliranin ang lipunang kinabibilangan ko na unti unti ng nilalamon ng bulok na sistema.
Mismong mga lider na dapat ay tumatayong ama at ina ng bawat mga nasasakupan nila ay sila ring sumasaid sa lakas nito hanggang sa tuluyan ng masadlak. Nakakalungkot isipin na ganito na ang klase ng pamumunong umiiral ngayon sa ating bansa. Parang minsan ay mapapaisip ka na lang na ang sarap layasan ng sarili mong bayan.
Pero mapapaisip ka na lang din, paano kung talikuran na nga lang ito ng bawat Pilipino?
Sino pa ang maglalakas loob na maglahad ng kamay sa ating Inang bayan upang tulungan itong makabangon?
Tayo rin.
Tayo dapat.
Tayo ang dapat na sumusupil sa mga taong katulad mag-isip nitong si Pablo Vasquez na namulat sa hindi magandang gawain ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...