Kabanata 43
Hindi madali para sa amin ni Fyuch ang mga sumunod na araw. Hindi na kami nakakalabas ng magkasama. Ingat na ingat din ako pati sa pag-uwi sa condo niya dahil baka may makadiskubre na sa iisang unit kami nakatira. Kahit nga si Daddy hindi alam.
Ang hirap ng sitwasyon, pero alam kong mas mahirap iyon sa part ni Fyuch. Wala siyang magawa kapag kailangan naming magkasama ni Easton sa mga public gathering. Pero wala akong narinig ni isang reklamo sa kanya. Sa katunayan ay mas naging sweet pa nga siya sa 'kin. He always makes sure I feel okay dahil alam niyang napipilitan lang din ako sa ginagawa ko.
Sam wasn't just making everything bearable, but a lot better.
Isang buwan na rin ang lumipas simula nang nag-umpisa ang pagdinig sa kaso ni Pablo. Pero hanggang ngayon nananatili pa rin kaming tagilid dahil hindi pa nagigising si Kairo. They even used the last case they filed against my cousin noong binugbog nito si Pablo at ibinalitang nag 50/50.
"Ayos pa ba tayo d'yan?" tanong ni Dior pagkatapos akong sikuhin at tabihan. Nakaupo ako sa isa sa mga bench dito sa ospital at nagpapahangin. Pakiramdam ko kasi ay nauubusan ako ng hangin habang tumatagal na pinagmamasdan ko si Kairo na parang halos wala ng buhay.
Hindi ko alam kung kakayanin ko pang tagalan na makita siya sa ganoong estado. Nadudurog ang puso ko.
Isang tango lang ang itinugon ko kay Dior. Hindi ako makapagsalita. Para kasing sa oras na ibuka ko ang bibig ko ay bibigay na lang bigla ako. Hangga't kaya ko pinipilit kong magpakatatag. Ayokong makita ni Fyuch na pinanghihinaan ako ng loob. Pero kasi kapag nag-iisa na 'ko, hindi ko na makontrol 'yung sobrang lungkot ko. Tapos 'yung kaisa-isang taong takbuhan ko pa, hindi ko na rin basta matakbuhan ngayon dahil sa sitwasyon.
"Nakakamatay 'yan kapag hindi mo nilabas." Inakbayan ako ni Dior at niyakap. Tinapik tapik niya ang likod ko at sobrang pagpipigil ang ginawa ko sa sarili ko na 'wag maiyak.
"G-gusto ko nang matapos 'to, Dior. Gusto ko nang bumalik sa normal ang lahat."
"Konting tiis pa, Portia. Let's trust Kairo that he can make it. That idiot is a fighter, remember? Nakikita naman nating lumalaban siya 'di ba?" Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at tumango sa sinabi niya.
May tinamaan kasi itong internal organ kaya kinailangan siyang operahan. May mga inexplain sa amin iyong doktor kung bakit hindi pa rin ito gumigising hanggang ngayon pero wala na akong maintindihan. Sa dami na yatang laman ng utak ko ay ayaw na nitong tumanggap ng iba pang impormasyon.
Ilang sandali pa kaming nanatili sa kinauupuan namin bago humahangos na humarap sa amin si Mona. Hawak nito ang tapat ng dibdib habang hinahabol ang hininga.
"S-si... K-kairo...."
Sabay na napatayo kami ni Dior at parang biglang pinilipit ang puso ko sa kaba sa itsura ni Mona.
"Anong nangyari??"
Humahangos nitong itinaas ang isang kamay habang ang isa'y nasa tapat pa rin ng dibdib. "G-gising na siya! Gising na si Kairo!"
Parang biglang hinugot sa dibdib ko ang isang patalim na malalim na nakasaksak. Tumakbo agad kami paakyat ni Dior pero paglabas pa lang namin ng elevator ay dinig na namin ang kaguluhan sa floor. Pagdating namin sa tapat ng kwarto niya, mula sa nakabukas nitong pinto ay nakita namin ang pagwawala ni Kairo.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makita ko siyang nagpupumilit lumabas at paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ni Mika.
Hindi ko kinayang makita ang itsura nito kaya't tumalikod agad ako at isinubsob ang mukha ko sa balikat ni Dior. Alam kong ipinagdasal ko ang paggising na ito ni Kairo pero paano ako matutuwa kung ganitong halos durugin ngayon ng katotohanan ang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith is a sharp, composed lawyer with an undefeated courtroom record-and a heart quietly trapped in the past. Everything begins to shift the night Portia Deanna Martin storms into his life like a chaotic w...
