Kabanata 53

20.1K 654 181
                                    

Angel's note: maghanda ng isang basong tubig bago magbasa. Char.

***

Kabanata 53

Pagkatapos kong literal na ngumawa kanina ay tahimik na nag-drive si Justine. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil wala pa 'ko sa huwisyo para magtanong, pero huminto kami sa isang coffee shop na 24/7 yatang nakabukas.

"Thank you," sabi ko pagkaabot niya sa 'kin ng inorder niyang iced coffee. Sabi niya kanina ay ilibre ko siya pero no'ng oorder na ay siya naman ang nagbayad. Abnormal talaga.

Umupo kami sa bakanteng table sa sulok dahil gusto ko nang tahimik na pwesto. Tho wala namang masyadong tao rito kaya tahimik talaga ang paligid. Medyo nakakabadtrip lang 'yung soundtrip nilang 'till my heartaches ends.

"Sorry sa nakita mo kanina."

"Ano bang nakita ko?"

"Yung kay...ano..." Naglaro ang mga daliri ko sa ilalim ng lamesa. Ni hindi ko na magawang banggitin pati pangalan niya!

"Wala akong maalalang may nakita o narinig ako kanina," masungit na tugon ni Justine at saka sumimsim sa kanyang mainit na kape. Saglit akong napatulala sa kanya bago unti-unting kumurba paitaas ang dalawang sulok ng labi ko.

He really didn't want me to feel embarassed about it at nagpapasalamat ako na siya ang kasama ko kanina. Dahil kung ako lang mag-isa 'yon, hindi ko na alam kung ano ang posibleng nagawa ko. Either nagpakamatay na siguro ako o baka ako na ang nakapatay.

Pakiramdam ko ay nabuhayan ako ng dugo pagkainom ko ng kape ko. Halos makalahati ko tuloy agad ito para lang maramdaman ko ng todo na buhay pa rin talaga ako. Ang sakit kasi, e. Feeling ko kanina mamamatay na 'ko sa sobrang kirot ng puso ko. Hanggang ngayon naman sa tuwing naaalala ko 'yong nakita ko, parang pinipilipit 'yung mga lamang loob ko sa sobrang sakit.

"Justine," nakayukong tawag ko sa pangalan niya.

"Oh?"

"May alam ka bang pinakamabilis na paraan para makalimot?" Pinagsiklop ko ang mga palad kong nanlalamig. "Kahit gamot o kahit ano pa 'yan...gusto kong malaman."

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na araw araw mararamdaman ang ganitong klase ng sakit sa puso ko. Iniisip ko pa lang ay parang mababaliw na 'ko. Alam kong matatag ako pero pagdating sa kanya, nawawala lahat ng lakas meron ako.

"Leave. Go somewhere far. Somewhere that won't remind you of the thing you want to forget."

Dahan-dahan akong napatango. "That sounds...great. Pero paano ako aalis kung nandito ang buhay ko? Ang trabaho ko na lang sa PBN ang nagpapatino sa 'kin. At saka...saan naman ako pupunta?"

Inilapag niya ang hawak na tasa sa lamesa. He folded his arms accrossed his chest and looked me deeply in the eyes.

"Naalala mo 'yong local station natin sa Cebu?"

"Yung mag-lo-launch pa lang this month? Diba taga ro'n ka?"

Tumango siya. "Kaya nga ako ang pinapadala ro'n ng mga boss. I'm leaving next week already."

"What?! Aalis ka?! For good?!" Napatingin ang ilang mga staff sa pwesto namin dahil sa lakas ng boses ko. "Seryoso 'yan?!" halos pabulong na dugtong ko na lang tuloy.

"6 months lang naman. Kailangan lang nila ng tulong doon while establishing the station. Pero ang sabi ng mga boss, kung magustuhan ko raw do'n nasa 'kin na ang desisyon kung babalik pa 'ko rito sa main."

"Grabe bakit wala man lang akong nabalitaan tungkol d'yan sa transfer mo?" nakalabi kong tanong. Nagulat kasi talaga ako.

"Meron kaya. A month ago pa. Di mo lang siguro napansin sa daming laman ng utak mo."

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon