Kabanata 21
"Grabe ka naman. Men talaga? Kailangan plural?"
"I don't know, but you seem to have a lot."
Napanganga na lang ako sa sinabi na iyon ni Fyuch. Ganoon ba karami ang mga lalake ko sa paningin niya?!
I feel like in between life and death right now, pero tae bakit kinikilig pa rin ako?! May hindi na yata talaga tama sa loob ng utak ko kailangan ko ng ipa-checkup sa isang lawyer!
Oo-lawyer kailangan ng brain ko at hindi doktor!
Lumapit si Easton at para akong tanga na sunod naman ng sunod sa pagtatago sa 'kin ni Fyuch sa likod niya. Huminto ito sa tapat ko at kinuha niya ang kamay ko saka ipinayakap iyong bouquet of roses na dala niya.
Easton smiled. "I left something in your room, babe. Just check it later. Good night."
Pagkaalis nito ay agad na lumayo sa 'kin si Sam. Kita niyo 'tong lalakeng 'to! Umalis lang 'tong si Easton, ni-let go na 'ko!
"Babe pala..."
Napangisi ako. "Bakit? Selos ka? Pwede mo naman akong tawaging baby para fair. Permission granted."
"Asa." Inirapan niya 'ko tapos sabay na napatingin kaming dalawa sa mga rosas na hawak ko. Mataman niyang tinitigan ang mga ito.
"I didn't know there would be such ugly flowers. Seriously, you'd like that?" He looked at the poor roses, then shook his head disgustedly. "God, they irritate my eyes." Umakto pa siyang nasasaktan ang mga mata bago nagimulang maglakad paalis. Natatawa ko siyang pinanood makaalis bago ako naiiling na pumasok sa loob.
Pagpasok ko ay naabutan ko si Kairo na nasa sofa at nanonood ng TV. Pero wala yata sa sarili ang pinsan ko at hindi man lang napansin ang pagdating ko. Nakatuon ang mga mata niya sa pinapanood pero tila lumilipad ang kanyang utak. Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya at tumabi. Kinuha ko ang remote at pinatay ko ang TV, doon pa lang niya 'ko napansin sa tabi niya.
"Kanina ka pa d'yan?" medyo gulat pa na tanong niya.
"Kadarating ko lang. Kumain ka ba?" nag-aalalang tanong ko. Umiling siya kaya muntik ko ng masapak ang mukha niya sa inis ko. "Alam mo ba kung anong oras na?!"
Padabog kong kinuha ang phone ko at naghanap ng pwedeng ipadeliver na pagkain. Pero dahil past 8pm na, wala ng nag-a-assist pa for delivery service. Ugh.
"D'yan ka lang. Babalik ako agad!" bilin ko bago ako nagmamadaling lumabas ng bahay. Umakyat ako sa unit ni Fyuch at agad akong kumatok pagdating ko sa tapat ng pinto niya. "Fyuch! Tok tok! Fyuch?"
Nilakasan ko pa ang pagkatok ko nang nakailang katok na 'ko ay hindi pa rin siya sumasagot. Iyong katok ko ay napalitan na ng pagkalampag at muntik pa 'kong sumubsob nang biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa 'kin ang basang katawan ni Fyuch, tapos may sabon pa siya sa ulo.
"Goodness gracious, Portia, I'm in the shower! What's with the rush?!" Salubong ang kilay niyang tumingin ng masama sa 'kin. Natawa ako sa ulo niyang may mataas na bula pero hindi ko na siya hinintay na kusang papasukin ako dahil ako na mismo ang nag-invite sa sarili ko.
"May pagkain ka pa d'yan? Pautang muna balik ko na lang." Dumiretso ako sa kitchen niya para mangalkal.
"Hindi ka pa kumakain?"
"Kumain na 'ko kaso 'yung pasaway kong pinsan na may malalang sakit sa utak hindi pa," sagot ko habang nagkakalkal ng pwedeng lutuin sa ref niya.
"Kairo?"
"Yeah, brokenhearted e. Ikaw ba? Kumain ka na?"
"Not yet. Hindi pa 'ko gutom."
Napalingon ako sa kanya na ganoon pa rin ang itsura kanina.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Storie d'amore[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...