Kabanata 54

29.9K 689 362
                                    

Kabanata 54

"Come in." Ibinaba ko ang diyaryong binabasa ko.

"Ma'am Deanna, nasa labas na po ang mga students na naka-schedule for a studio tour today," medyo kabadong wika ng bago naming PA. Hindi ako nito matignan dahil natakot yata kahapong nagalit ako sa pumalpak na news item.

Nakangiti ko siyang sinagot.

"Thanks, Belle. I'll be there in 5 minutes." Para siyang nabunutan ng tinik sa pag-ngiti ko.

"Okay po, ma'am. Thank you po," maliwanag ang mukhang tugon nito. Naiiling akong sumandal sa swivel chair ko at saglit na pumikit paglabas niya.

Sa totoo lang ay napapagod na 'ko sa paulit-ulit na pagsasalita sa harapan ng mga estudyanteng 'to. Kaso ay hindi ko naman mahindian ang mga ekwelahan kapag nag-re-request ang mga ito ng studio tour. Dahil kahit 3 years na since nag-launch itong local channel ng PBN sa Cebu, gusto pa rin ng mga boss na mapanatili namin ang magandang reputasyon na naumpisahan namin dito. At isa na ro'n ang pagpapakilala nito sa mga future media practitioners.

And of course, as one of the pioneering staff and head of the news department here, it's my goal as well to make PBN News as one of the most trusted news network in the country. I don't even have the confidence before that I can do handle this kind of obligation kahit pa nagsisimula pa lang ang local staion na 'to because still, may malaking pangalan na ang PBN News sa nationa. But the bosses trusted me that I can do it. They expected a lot from me and they believed I could start and strengthen the foundation of this station.

Although I just took it as a challenge before to divert my attention to something else, I learned to love it eventually.

"Thank you so much for always accomodating our school, Ms. Deanna." Malugod na kinuha ni Mrs. Suarez ang kamay ko. "We really love hearing you talk about media industry to our students." Sobra-sobra ang pasasalamat nito kaya't hindi ko rin talaga magawang tanggihan sila.

"It's an honor to share my knowledge with our future media practitioners, Mrs. Suarez."

"You're really very kind, Ms. Deanna. I hope na maging katulad mo ang mga batang ito pagdating ng panahon." Nakabungisngis na humarap sa 'kin ang lahat ng senior high students na kasama nito.

Isa-isa silang nag-pa-picture sa 'kin bago sila inilibot ng ilan sa mga staff ko sa buong studio. Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kanila na gusto nilang maging katulad ko balang araw. Kahit medyo nakakatawa dahil kung alam lang ng mga ito ang mga kalokohan ko, hindi ko gugustuhin na gayahin nila 'ko. Pero siguro 'yung part ng pagiging dedicated ko sa trabaho ko, 'yon ang gusto kong i-adapt nila.

Kahit ngawit na 'yung panga ko kakangiti ay bumalik pa rin ako sa office ko nang may ngiti sa mga labi. Sakto pag-upo ko pa lang ay may incoming video call ako mula kay Lyra.

"Napakatagal namang sumagot! Nakikipag-sex ka ba?"

"Siraulo! May mga estudyanteng dumating at nag-talk ako sa kanila!"

"Ay weh? Tinuruan mo rin ba sila kung paano maka-survive sa tag-tuyot ng maraming taon?"

"Lyra!" gulat akong napatingin sa pintuan ko at baka may ibang taong nakarinig. "Hindi ka pa rin ba nagmumumog ng holy water?"

Malakas siyang tumawa. "Wala ng bisa sa 'kin 'yun, 'no! Kelan ka ba kasi babalik dito?? Sabi mo 6 months ka lang mawawala! Hello?! Inabot ka na ng tatlong taon d'yan!"

"Hindi ko pa kasi sila maiwan nang hindi ako nakakasigurong magiging ayos sila nang wala ako."

"Oh God, Portia. You've been telling us that for more than 2 years now. Kelan mo balak umalis d'yan? Kapag uugod-ugod ka na?? Maawa ka naman sa jowa mong tatlong taon nang ginagawang walking distance ang Cebu! Sinasabi ko talaga sa 'yo kapag 'yan nabagok ang ulo at biglang napagod at iniwan ka, tatawanan talaga kita!"

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon