Kabanata 42

19.7K 846 230
                                    

Kabanata 42

Galit na galit siya. Kitang kita ko iyon sa bawat panggigigil ng mga suntok niya. Sa sobrang gulat ko yata ay hindi ko na magawang makagalaw at makapag-isip ng matino! Nanatili lang akong nakasandal sa pader na tanging sumusuporta sa 'kin upang hindi ako tuluyang tumumba.

Ano ba, Portia?! Wala ka bang balak kumilos?! Magpapatayan na 'yang dalawa sa harapan mo!

"Do you know how much... I've been trying... to hold back myself... from hitting your motherfucking face?" breathless Sam said, after the repeated punches he threw on his face.

But Easton was able to get even.

"Do you think you're the only one who's holding back?!" Easton laughed sarcastically as he got to punch him back.

Tila doon pa lamang ako natauhan at madaling lumapit sa kanila. Hinawakan ko ng dalawang kamay sa braso si Fyuch dahil siya ang nakapaibabaw. Pilit na inilalayo ko siya kay Easton ngunit walang silbi ang lakas ko sa lakas nito ngayon. Parehong naka-kwelyo sila sa isa't isa.

"Hindi ba kayo titigil na dalawa?!" sigaw ko nang tila wala silang balak na magpapigil. Ngunit isang mas malakas na sigaw ang literal na nagpahinto sa aming tatlo.

Galit na mga mukha nina Daddy at Tito Clarence ang nakita namin nang sabay sabay naming lingunin ang mga ito.

Para kaming mga batang estudyante na dinala sa guidance office pagkatapos mahuling nakikipag-away. They were seating on two opposite single couch at sasa pagitan ko silang dalawa.

"Tell me what nonsense is going on here, Easton," his father asked stiffly in front of us. Iyong nakakatakot na first impression ko rito noong unang beses kong nakita ay parang dumoble pa ngayon. "And what is the controversial Atty. Smith doing here?"

"Nothing," tipid na sagot lang ni Easton at walangyang sumandal sa inuupuan. Pero sa titigan pa lang nilang dalawa ni Sam ay parang ano mang sandali ay magsasagupa ulit sila.

"You two are about to kill each other and then you tell me it's nothing?" kalmadong tanong pa rin ni Tito Clarence. Galit na tumingin ito kina Sam at Easton na parehong nagdurugo ang mga labi.

Lahat sila ngayon ay pawang mga mapanganib ang itsura. Subalit gaano man katindi ang kaba na nararamdaman ko sa mga oras na 'to, nananaig pa rin ang galit ko sa panlilinlang nila sa 'kin.

I stood up and took a step forward to voluntarily speak.

"Sorry for ruining your special day, Tito," paumanhin ko nang nakatingin ng deretso sa mga mata nito. "... but I just want to clarify, didn't my father tell you about my refusal to marry your son?"

Natigilan ito na para bang nagulat sa sinabi ko. Pero tangina, kung gulat ito, mas gulat naman siguro ako sa nangyayari ngayon? Kuyom ang mga kamao ko habang pinagmamasdan itong bumaling sa aking ama nang may nagtatanong na tingin.

"Pagpasensyahan mo na ang anak ko, Clarence. Hindi niya alam ang ginagawa niya," seryosong sabi ni Daddy at tinabihan si Tito. "Maybe my daughter isn't tired of playing yet."

Umawang ang labi ko sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Magkahalong galit at pagkadismaya ang nararamdaman ko sa kanya ngayon!

"D-daddy..." gusto kong sumigaw ngunit tila hinigop ang enerhiya ng boses ko. Kaya kahit ako mismo'y hindi ko marinig ang sarili ko, nagsalita pa rin ako. "...'di ba sinabi mo sa 'kin na nakausap mo na si Tito Clarence? S-sabi mo 'di ba pumayag na siya? K-kaya nga ako pumayag sa kondisyon mong pag-aralan ang kumpanya 'di ba?" hirap ngunit magkakasunod na tanong ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ang reaksyon nitong tila wala ng naaalala sa mga ipinangako nito sa 'kin.

"I'm just doing this for your own good, Deanna. I'm a father and I just want the best for you. At sa tingin ko maiintindihan naman 'yon ni Atty. Smith." Tumingin ito sa direksyon ni Sam. "Right, Attorney?"

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon