Kabanata 22
God knows how much I wanted to crash my fist on every men's faces every time I hear them say foul words against women. I fucking hate them for looking down on us just because they possess power and capability to do so.
Kailanman ay hindi naging pamantayan ang gwapong itsura upang magkaroon ng pribelehiyong manlamang ng babae. Nakakasuka ang mga lalakeng may ganitong klase ng utak—lalo iyong mga may sinasabi pa sa lipunan.
Kaya naman hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kaninang makagamit ng dahas. Alam kong hindi ako ang klase ng tao na dinaraan sa pisikalan ang mga bagay ngunit kung katulad siguro ni Pablo Vasquez ang muling makakaharap ko, I won't mind doing it again.
Assholes deserve the worst treatment. Fuck those abusive people.
Isinandal ko ang likod ko sa napakalambot na couch na kinauupuan ko habang ang mga paa ko ay nakataas sa isang small cushioned stool. Ginalaw galaw ko ang isang paa ko habang pilit na tinatapos ang pagta-type sa script na kailangan kong ipasa by 6pm. Nag baka sakali akong baka nangalay lang ito o kaya naman ay nabigla sa ginawa kong pagsipa kanina. Ang tigas kasi ng mukha ng Pablo na 'yon!
Napabalikwas ako nang may dumamping malamig na bagay sa masakit kong paa at nakita ko si Sam na nakaluhod ang isang tuhod sa harapan ko. May hawak siyang ice pack at marahang dinadampian iyong masakit na parte nito. Parang matutunaw tuloy ang puso ko sa pagmamasid sa kanya.
Oh god.
Now I'm really scared I might fall hard for him.
"You shouldn't have done that," he said in a very low baritone voice. His eyes were still focused on my sprained ankle.
"He deserve a good kick in the face at wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko." Nag-angat siya ng tingin na tila hindi nagustuhan ang sinagot ko.
"Paano kung ginantihan ka niya? Anong laban mo sa isang lalake?" Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng hawak niya sa paa ko. Ngunit imbes na matakot akong sumagot ay tila kabaligtaran ang natanggap na mensahe ng utak ko.
Naglaro ang mga nakakalokong ngiti sa labi ko.
"Nag-worry ka ba sa 'kin, Fyuch? Yieee concern siya sa 'kin!" tukso ko pero nanatiling seryoso ang mukha niya.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo ngayon, Portia. Masyado kang nagpapadalos dalos ng kilos. Mag-isip ka naman minsan." Kalmado ngunit batid ko ang irita sa kanya.
Nawala ang ngisi ko. Ganoon ba ang tingin niya sa ginawa ko? Na hindi ko ginamitan ng pag-iisip?
"Para sa 'kin hindi padalos dalos 'yon. The moment I heard those words coming out from Pablo's dirty mouth, there's no need for me to think twice of what I should do next," giit ko.
"Paano kung sinaktan ka niya?"
Napaismid ako. "Tingin mo ba hahayaan kong saktan ako ng gagong 'yon? Don't underestimate me, Atty. Smith. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."
Ano na lang ang silbi martial arts skills ko kung hindi ko ito magagamit sa mga katulad ni Pablo Vasquez? Ngayon ko naiintindihan si Daddy kung bakit pinilit niya 'ko noong mag-aral ng self-defense. Actually lahat naman kaming magpipinsan ay dumaan sa ganoong pag-aaral simula pagkabata pa lang. Paborito kong sipain sa mukha noon sina Mona at Lyra!
Marahil ay batid ng mga magulang namin kung gaano ka-delikado ang mundo—lalo na para sa mga babae.
Tinignan ko si Fyuch na mukhang hindi pa tapos mag-sermon. Kinuha ko ang earphones ko sa bag at sinalpak sa magkabilang tenga ko. Pinakita ko sa kanya kung papaano ko itinodo ang volume ng music sa phone ko bago ko ibinalik ang atensyon sa pagtatapos sa sinusulat ko.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...