Portia
Pabagsak kong isinarado ang pinto pagpasok sa opisina ko. Inis ko ring ibinagsak ang sarili ko sa swivel chair at salubong ang kilay kong tumingin sa kawalan.
Sino bang hindi maiinis sa ginawa nilang pagdedesisyon nang hindi man lang ako kinokonsulta? Ni hindi man lang nila inalam kung gusto ko bang makatrabaho 'yung dalawang 'yon! Nakakaasar lang talaga!
"M-Ma'am?"
"Oh baket?!" Matalim kong tinitigan si Belle sa may pintuan na agad namutla sa ginawa ko.
"P-prod team meeting daw po."
Ayan! D'yan sila magaling! Ang tawagin ako kapag production meeting na! Tutal bilib na bilib naman sila do'n sa dalawang bago, bakit hindi na lang silang dalawa ang isama nila sa meeting? Am I even needed there?
"Sabihin mo masakit ang ulo ko. Sendan mo na lang ako ng kopya ng minutes pagkatapos n'yo." Pinaikot ko patalikod kay Belle ang swivel chair ko at saka ipinikit ang mga mata ko.
Narinig ko ang pagsarado ng pinto ngunit ilang sandali lang din nang marinig kong muli itong bumukas.
"Did I even tell you to come in?" malamig na wika ko at hindi na nag-abala pang idilat ang mga mata ko.
"M-ma'am, kailangan daw po talaga kayo sa meeting. Kahit daw po—"
"Hindi ba't sinabi kong masakit ang ulo ko?" Kuyom ang kamao kong tumayo at hinarap si Belle. Ngunit sa pagharap ko sa nasa likuran ko ay tila ba inaasar talaga ako ng araw ngayon.
"Let's have the meeting here in your office then."
Pagkasabi niya no'n ay nagsipasukan ang lahat ng kasama ko sa production team at may kanya-kanyang dalang upuan. Nginitian pa ako ni Ms. Lanie Tiongson bago umupo sa aking sofa na parang wala siyang nagawang aberya sa amin.
Sinamaan ko ng tingin ang lalakeng nasa harapan ko.
"Mawawala ba ang sakit ng ulo ko kung dito kayo sa opisina ko mag-mi-meeting?"
"Maybe if you take this med." Naglapag siya ng gamot at bottled water sa lamesa ko at saka niya na 'ko tinalikuran para daluhan ang mga kasama. Magiliw na tinapik ni Ms. Tiongson ang pwesto sa tabi nito na agad naman niyang inokupa nang nakangiti pa.
Awtomatikong umikot ang mga mata ko pagkakita sa nagniningning na mga mata ni Ms. Tiongson at nang iba pang mga babaeng animo'y ngayon lang nakakita ng tao. Ganito ba talaga kadami ang mga babae sa prod team na 'to? Bakit parang ngayon ko lang napansin?
Nakasimangot kong binuksan ang bote ng tubig na binigay niya at ininom iyong gamot. Tahimik lang akong nakinig sa discussion nila kahit pero paminsan minsan ay sumasabat ako kapag masyadong pabida 'tong co-host ko.
"I think it's better kung magpapasok tayo ng callers who have the same situation. What do you think, Atty. Smith?"
"That would just be a waste of time," tamad na sagot ko habang nilalaro ang pag-ikot ng swivel chair ko. Napatingin silang lahat sa 'kin.
"How can you tell, Ms. Martin? Hindi pa naman natin nasusubukan. In fact, may tendency na mag-hit agad ang show kung may participation ang mga viewers."
Napaismid ako sa sinabi ni Ms. Tiongson at nakita ko ang pangangasim ng mukha nito sa reaksyon ko. Itinukod ko ang aking siko sa armrest ng chair ko at sinapo ang aking baba. Nakataas ang kilay ko na tinignan ito ng deretso.
"Tendency is different from accuracy, Ms. Tiongson. So how sure are you na maghi-hit 'yan? Mind you, we only have an hour para pag-usapan ang bawat kasong ilalapag natin sa programa. Do you know how crucial is that? Just an hour to make all the viewers understand what we are talking about because not everybody is aware of our legal system."
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...