Kabanata 52

19.2K 580 145
                                    

Kabanata 52

Umiikot ang buong paligid ko habang paakyat sa unit ni Dior. Nasa 5th floor lang naman ito pero pakiramdam ko ay napakataas ng inakyat ng elevator dahil sa tagal ko sa loob. Sa susunod hindi na talaga ako uuwi ng madaling araw. Lulubusin ko na lang ang pag-inom ng magdamag hanggang sa mag-umaga.

Nice idea, Portia.

Naiiling at natatawa kong binuksan ang pinto. Pero pagpasok ko ay agad na nawala ang ngisi ko pagkakita kay Kairo na mukhang kanina pa nakaabang sa pagdating ko.

"Bakit nandito ka?" Gumegewang akong dumiretso sa katapat niyang couch.

Ibinagsak ko ang sarili ko roon at saka ko lang hinagis kung saan ang sling bag na dala ko. Inalis ko rin ang jacket ni Captain na pinasuot niya sa 'kin dahil sa kapirasong tela raw na suot ko. Tsk. Napaka-conservative ng lalakeng 'yon.

"Sino na namang kasama mong uminom?" iritadong tanong niya. Mukhang nainip yata sa paghihintay sa 'kin.

"Si Alvarez," tipid na sagot ko. Napipikit pa at bahagyang napapanguso ako.

"Bakit lagi mong kasama 'yon? May gusto ba sa 'yo?"

My brow arched. "Porke ba lagi akong sinasamahan, may gusto na agad sa 'kin?"

"Lalake ako, Portia. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa loob ng utak ng mga lalake."

"Talaga?" Bumangon ako at hinarap siya. "Kung gano'n alam mo rin ba ang tumatakbo sa utak niya? Bakit niya 'ko nagawang lokohin? Mukha ba talaga akong tangang uto-uto?"

He was obviously taken aback with my question. Dahil iyong medyo galit niyang mukha kanina ay unti-unting lumambot. Nakita ko na naman ang awa sa mga mata niya. Nabu-bwisit ako lalo kapag nakikita kong kinakaawaan ako ng ganito.

Naramdaman ko na naman tuloy paninikip ng dibdib ko. Pati na rin ang pagbigat ng mga mata ko. Agad na nag-iwas ako ng tingin pero kasabay no'n ay ang pagbagsak ng mga patak ng luha ko sa sahig.

Mabilis na tumayo ako at tumakbo papuntang kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref at tinungga agad iyon habang patuloy na nahuhulog ang mga luha ko. Para akong uhaw na uhaw kahit hindi naman dahil halos naubos ko ang kalahating litro ng tubig na kinuha ko.

Gumaan naman ang pakiramdam ko at napigilan ang nagbabadya kong pag-ngawa. Nakakasawa na kayang umiyak!

"Wag ka na lang umattend sa mga susunod na arraignment. You'll just get hurt watching him defend a criminal."

Napahinto sa ere ang hawak kong baso.

"Tingin mo ba gano'n ako kahina?"

"Yes." Walangyang sagot niya. Nilingon ko tuloy agad siya pagkalapag ko sa baso ko sa lababo.

"Hindi ako weak, okay? Siguro masasaktan ako, pero sinisigurado ko sa 'yong kaya ko ang sakit," seryosong paglilinaw ko. Sapagkat alam kong kapag ginusto ko, tiyak na makukuha ko. Lumakad ako at nilagpasan siya pero sumunod din naman siya.

"Pinapaalalahanan lang kita. Baka nakakalimutan mo nang halos magpakamatay ka sa kakaiyak araw araw noong naghiwalay kayo ni Easton?"

Natawa ako sa pinaalala niyang iyon. Napakatanga ko nga naman talaga noon! Kadiri!

"Dati 'yon! Ngayon medyo tanga pa rin naman pero stronger than before na ito uy! Kaya kung wala ka nang idadagdag pa sa sermon mo, umuwi ka na at inaantok na 'ko." Binuksan ko na ang pinto ko at tamad na nilingon siya.

He just sighed and gave me a slight nod. He patted my head before leaving. Ginawa pa 'kong paslit! Nakasimangot at nakanguso akong pumasok sa kwarto. Ngunit sa pagsarado ng aking pinto ay siyang paglaho rin ng maskara na ipinapakita ko sa lahat ng nasa labas.

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon