Kabanata 7

36.5K 973 555
                                    

Kabanata 7

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo at nagpunta ka sa club ng mag-isa?!"

Abot langit na naman ang sermon na inabot ko kay Kairo kinaumagahan. Akala ko pa naman ay makakaligtas na 'ko dahil pagdating namin ni Fyuch kagabi ay tulog na siya.

"May kasama naman ako. Naaya lang ako ng friend ko."

Paroo't parito siyang naglalakad sa harapan ko. "Paano kung hindi pa 'ko nakauwi kahapon?! Magdamag ka na namang guguluhin ng gagong ex mo na 'yon?"

"Nagkataon lang naman na nando'n siya kagabi. Grand opening kasi 'yon ng club nung friend ko at saka Police Captain 'yung kasama ko at hindi ako pababayaan no'n. Nahiya lang ako sa kanya kaya kita tinawagan."

Ugh. Pagdating sa gan'tong sitwasyon, inaamin kong mas takot talaga ako sa mokong na 'to kaysa sa sarili kong ama. Aba'y daig pa kasi niya ang magulang ko. Halos sa aming lahat na magpipinsan naman gan'to siya kaya lahat kami takot sa kanya. Siguro ay dahil siya lang ang lalaki at babae kaming lahat kaya sobrang strict niya.

"This would be my last warning, Portia. Sa oras na may gawin pang hindi maganda 'yang ex mo pasensyahan tayong dalawa. Lulumpuhin ko 'yan." Kinuha niya ang susi ng kotse niya sa ibabaw ng lamesa at naglakad na siya palabas. Agad akong sumunod dahil sasabay ako sa kanya papasok sa trabaho. Hehe.

As usual sobrang dami na naman ng ginagawa sa opisina. Kelan ba nabawasan ang mga kailangang i-accomplish naming mga nasa media? Kapag kulang ang balita, hindi ka man pwedeng magsaya dahil sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan mong maghanap ng karagdagan. That's how it always goes. Ang sabi nila kapag paulit ulit ang ginagawa mo, malaki ang tendency na magsawa ka agad. Pero kung nasa media ka, walang bagay na umuulit. Lahat ay may progreso. Lahat ay may kaakibat na follow up news at katapusan para sa isang istorya.

"Oh kape." Napataas ako ng kilay nang ilapag ni Justine ang kape sa lamesa ko.

"Anong nakain mo at ang bait mo yata ngayon?"

"Nakain ko yung report mo kahapon kay Vasquez at Andrada." masungit na sagot niya.

Natawa ako ng bahagya. Siya pala ang lucky editor ko kahapon. 

"Ikaw pala sumalo no'n. Sorry you had to work yesterday."

"Okay lang. No choice ka rin namang nagtrabaho kaya ayan pampalubag ng sama ng loob."

"Pampakaba kamo! Hindi ko pa nga iniinom, kinakabahan na 'ko kung wala ba 'tong lason." Sinamaan niya 'ko ng tingin bago siya umalis pabalik sa station niya. Habang gumagala ang tingin ko sa paligid, nahagip agad ng mata ko ang isang katrabaho ko na hindi ko naman ka-close pero nahuli kong nakatingin ng masama sa 'kin.

Minsan napapaisip talaga ako sa role ng bawat tao sa buhay natin. Nakaka-amaze lang na kahit hindi kayo close or kahit nga minsan napadaan lang siya sa paningin mo, meron at meron siyang papel sa buhay mo. Katulad ng babaeng 'yon na masamang nakatingin sa 'kin sa hindi ko alam na kadahilanan. Ni hindi ko nga alam ang pangalan niya, pero role niya sigurong inisin ako sa araw na 'to. Pero si Fyuch? Alam kong agad na malaki ang papel niya sa buhay ko. Ang ganda ko kase. Chos!

Pagod na pagod na naman ang katawang lupa ko sa pagsubaybay sa mga ganap ng mga kandidato. Hindi na talaga ako makapaghintay na matapos ang election period na 'to. 3 months pa 'kong mai-stress jusko! Buti na lang may stress reliever ako sa buhay. Ahihihi.

Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may IG ba si Fyuch. At sheeeet! Feeling ko humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nagpagulong gulong ito ngayon sa sahig!

Meron nga! At naka-public pa! Finollow ko na agad for safety measures. Hahaha! Baka bigla niyang maisipang mag-private at abutin na naman ng siyam siyam bago niya i-accept ang request ko! Amp! Hanggang ngayon nga hindi pa rin niya inaaccept ang friend request ko sa Facebook. Huhu.

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon