Kabanata 40
Halos lumipad ang bawat pahina ng d'yaryo nang ibagsak ito sa harapan ko ni Boss Leila. Kinabukasan kasi pagkatapos no'ng pag-corner ng mga reporter sa amin ni Fyuch, naglabasan sa lahat ng pahayagan ang tungkol sa iba't ibang paratang sa 'kin-kabilang na ang cheating issue ko kay Easton.
"Are you not aware that your personal issue can affect the credibility of our network?"
Nakaramdam ako ng kaba nang suotin na nito ang makapal na salamin sa mata. Napalunok ako dahil kahit maliit ang babaeng 'to ay kaya nitong maging halimaw sa loob lang ng limang segundo.
"Of course, I'm aware of that," tapat kong sagot. "Hindi ko naman ginustong idawit ang pangalan ng PBN News. Malay ko bang bigla na lang kaming susugurin ng mga reporters?" Hindi makapaniwala itong napabuga ng hangin.
Shuta, heto na. Malapit nang siyang magbagong anyo! Napakapit ako sa gilid ng lamesang nasa likuran ko at napalunok.
"Naririnig mo ba 'yang sarili mo?" naniningkit na tanong nito. Iyong mataas na pusod ng buhok niya ay tila nakikita ko nang tinutubuan ng sungay. "You know that you have an existing issue already when the news about your engagement with Easton Dela Vega came out! So how come that you let yourself be seen in public with not just someone! But someone who can also catch the public interest in just a snap!"
Hindi ako nakasagot dahil tumagos lahat ng sinabi niya sa ulo ko. Naging pabaya ako. That's the perfect term for what I did. Hindi ko naisip na posibleng lumikha ng mas malaking issue ang inakala ko'y simpleng misunderstanding lang.
"Take a break for a while."
"What? Are you telling me to stop-"
"No!" putol niya. "I'm just telling you to take a short break." Paroo't parito ang lakad niya habang hinihilot ang ulo.
"Okay. Ang kailangan ko lang naman siguro ay pansamantalang huminto sa paglabas sa TV." Tumango tango ako. "I have no problem with that. Magfo-focus na lang muna 'ko sa pagsusulat-"
"Hindi ka pwedeng maglabas ng balita hangga't ikaw mismo ang laman ng maiinit na balita!" galit na putol ulit niya sa suhestiyon ko. "What I mean about you taking a break is completely disconnecting yourself from you work for a short while. You can come back after you find a way to solve it."
Napahilamos ako ng palad ko sariling mukha. Short break? Halos patayin ko ang sarili ko sa pangangalap ng datos sa mga pending stories ko tapos pahihintuin ako? Parang gusto kong maiyak pero pagmumukhain ko lang ang sarili kong tanga.
Okay fine. Since kasalanan ko naman ang nangyari, nag-sorry pa rin ako kahit labag sa loob ko ang desisyon nila. Lumabas ako sa opisina ni Boss Leila nang nakahawak sa batok kong sumasakit. Para na namang pinupukpok sa sakit ang ulo ko sa patong patong na gusot na kailangan kong solusyunan.
Para akong nasa loob ng isang maze na akala ko ay madali ko lang na malalagpasan. Kaso tangina pagdating ko sa gitna, naglaho ang direksyon ko. I got stuck in the middle and seemed to forget the way out.
"Portia, totoo ba 'yung balita?" agad na nagkumpulan sa paligid ko ang mga kasamahan ko na mukhang kanina pa hinihintay ang paglabas ko.
"Tinatanong niyo ba 'ko bilang mga concern na kaibigan o bilang mga reporter na kailangan ng isusulat?" Mainit agad ang ulo ko dahil sa nangyari.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa seat ko at sumunod naman silang lahat. Nakapalibot pa rin sila sa harapan ko na parang isa akong sikat na personalidad na hinihingan nila ng panayam.
Ka-close ko naman silang lahat. Para na nga kaming isang malaking pamilya rito sa PBN News. Kapag may problema sa coverage ang isa, nandiyan ang isa para sumalo.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...