Kabanata 33
"Ang sakit na ng likod ko. Huhuhu." Pabagsak akong sumandal sa couch.
Nasa opisina ako ngayon ni Fyuch at nagpapatuloy ng research ko. Dito niya 'ko pinadiretso after ng fieldwork ko para daw hindi ako mag-isa sa condo. Bukas ng umaga na kasi ilalabas ang unang istorya ko tungkol sa mga sangkot sa issue ng pork barrel scam kaya halos ayaw niya 'kong nawawala sa paningin niya. Kulang na nga lang samahan niya 'ko sa lahat ng lakad ko sa labas!
Kung pwede nga lang siguro niya 'kong itali sa katawan niya baka ginawa na rin niya! Kaso hindi, e—sayang.
Parang isang modelo mula sa metro magazine si Fyuch nang tumayo siya mula sa kanyang swiveling chair. Nilapitan niya 'ko na nasa kanyang mini sala sa harapan.
Sobrang kalat ko! Ang dami dami ko kasing binabasang references at isa sa secret weapon ko sa pagtatrabaho ang pagkakaroon ng makalat na working area. Ewan ko ba. Parang kapag malinis ang lamesa ko hindi gumagana ang utak ko.
Pumwesto siya sa likuran ko at ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko. Napadaing na lamang ako nang bigyan niya 'ko ng isang napakasarap na masahe.
"Ugh...ang galing naman ng mga kamay mo, Fyuch."
He chuckled like he found amusement from what I just said. "Pahinga ka muna. Let me finish your research."
Ngumisi ako. "Taray, finish? Don't tempt me baka pumayag ako."
Nanatili akong nakapikit at ninamnam ang sarap ng masahe niya.
"I'm not tempting you. You can take a nap."
Ipinilig ko ang ulo ko. "Medyo magulo pa 'tong mga data ko, Fyuch. Maiistress ka lang at saka baka mahirapan ka sa pag-ri-research," mahinang sagot ko dahil parang inantok ako bigla sa ginagawa niya.
Grabe talaga 'tong bb ko. Kahit pagiging masahista ay hindi pinatawad ng mga nababagay na trabaho sa kanya.
"Are you underestimating my research skills?" I could imagine him now arching a brow.
"Di naman, bb. Ayoko lang dumagdag pa 'ko sa workload mo."
Although parehong nakakapagod ang trabaho namin, tiyak namang mas nakaka-stress ang ginagawa niya araw araw. Baka kung ako ang magbabasa ng mga makakapal na cases ay hindi na 'ko makausap pa ng matino nang kahit sino!
Napadilat ako ng mata nang huminto siya sa pagmamasahe sa 'kin. Nakita ko siyang tumungo sa lamesa niya at kumuha ng laptop. Bumalik siya sa pwesto ko at saka umupo sa tabi ko.
"What information do you need to get? Let me try to look at it for you."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala naman sa internet 'yon, Fyuch. Kahit na pinalalabas ng gobyerno na transparent sila sa mga impormasyon na dapat malaman ng publiko, pahirapan pa rin sa pag-access. They don't give it out easily to anyone."
Inirapan niya 'ko. "Of course, I know that."
Tumawa pa siya ng mahina. Hindi ko tuloy alam kung ginu-good time lang ba niya 'ko or baka malakas lang trip niya ngayon.
Binigay ko sa kanya ang pangalan ng mga kongresistang nabigyan ng pondo para sa mga development projects ng bansa. Iilan lamang kasi ang mga proyektong natapos ng mga ito at karamihan ngayon ay nakabinbin pa dahil sa kakulangan sa pondo—pondo na ibinigay nang kumpleto pero higit sa kalahati nito ngayon ang hindi maipaliwanag kung saan napunta. Wala ring mailapag na liquidation kaya napakalaking palaisipan nito.
Halos hindi ko masundan ng tingin ang pagpitik ng kanyang mga daliri sa keyboard dahil sa sobrang bilis ng mga ito. Nang tignan ko ang screen ng laptop niya ay hindi ko rin maintindihan ang mga naglalabasan doon na pawang mga code lang.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...