Kabanata 31

24.4K 671 143
                                    

Kabanata 31

Bago kami bumyahe pauwi ay binuksan ko na ulit 'yung phone ko. Halos buong limang minuto ko yata itong hindi nagamit dahil sa sunod sunod na messages na nagpasukan.

"Wow, daming nakamiss sa 'kin."

Iniscroll ko lahat ng messages na natanggap ko at grabe napaka in demand ko naman pala kahapon.

"Sinong mga nag-text sa 'yo?" tanong ni Fyuch na nakatuon ang mga mata sa daan. Ang kulit lang niya dahil ayaw niyang ako ang mag-drive kahit hindi pa magaling ang braso niya. 

"Mga pinsan ko lang at ilang katrabaho."

"Ah. May lalake?" Napalingon ako sa kanya ng nakataas ang kilay. 

"Oo."

"Sino? Anong buong pangalan? Taga saan?"

"Kaiden Royce Martin. Taga 10th floor sa condo na tinitirhan mo."

"Ah, Siya lang?"

"Oo. May gusto ka pa bang idagdag?"

"Wala naman."

"Good."

Ang kyoti kyoti ng bb ko para siyang timang. Hahahahaha. Konti na lang mag-a-assume na talaga akong nagseselos siya sa lahat ng lalake ko sa buhay. Char.

2pm lang nang makarating kami sa condo. Syempre dumiretso kami sa unit niya dahil seryoso nga siya na doon niya 'ko gustong patirahin! Grabe na talaga 'yung pagle-level up namin ni Fyuch. Nakakatuwang isipin na noon ay ako lang ang patay na patay sa kanya pero ngayon the feeling is mutual na. Pfft.

May tatlong kwarto sa unit ni Fyuch. At dinala niya 'ko roon sa isang bakante katabi ng kwarto niya. Nakapamaywang niyang sinuyod ng tingin ang paligid bago bumaling ng tingin sa 'kin.

"Just tell me kung may gusto kang ipabago. Do you wanna change the paint color to pink? Or do you want me to invite an interior designer so you can discuss your preferences?"

"Grabe naman, Fyuch!" Pinalo ko siya sa braso at saka ako napahawak sa magkabilang pisngi ko. "Wag ka ng mag-abala ano ka ba! Promise okay lang na maki-share ako sa kwarto mo. 'Di naman ako demanding na tenant! Bed space lang keri na, so no need to give me this whole new room!"

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Really? Fine then, may space pa sa tabi ni Tammy."

"Eh sa tabi ng Daddy ni Tammy, meron pa?"

"I'm warning you, Portia. I won't take that as a joke."

"I'm not taking it as a joke either." Seryoso akong tumitig sa kanya ng 3 seconds tapos hindi ko na napigilan pang tumawa ng malakas. "Charot lang! Hahahahaha. Baka mamaya paglabas natin ng kwarto mo big happy family na tayo."

Natatawa kong kinuha ang maleta ko sa kanya at inilagay sa gilid ng kama. Wala namang problema sa ayos at disenyo nitong kwarto. Makikitira na nga lang ako magdedemand pa ba 'ko ng renovation?! Ang kapal ko naman! Pero sayang 'yung opportunity sa kwarto niya. Huhuhu. Char.

Sa katunayan ay malaki pa 'to sa kwarto ko doon kay Kairo. Tapos ang linis linis tignan dahil white and gray lang ang natatanging kulay nito. Napailing na lang ako habang nag-aayos ng gamit sa aking bagong tahanan. Masyado na talaga akong gumaganda recently kaya sobrang deds na deds sa 'kin 'tong si Fyuch.

After kong makapag-ayos ng gamit at makapagpalit ng damit pambahay, lumabas agad ako ng kwarto. Nadatnan ko si Fyuch sa sala na seryoso sa binabasa niyang for sure ay something na nakakaubos ng sustansya sa utak. Maingat akong humilata sa mahabang sofa para hindi siya maistorbo at shooocks, ang sarap mag inat! After kong mag-stretching ay dumapa ako at sumuksok sulok and feeling ko inantok ako bigla.

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon