Kabanata 51

19.7K 630 335
                                    

Kabanata 51

"Ang galing talaga niya tangina!"

"Onga, kaso kawawa tuloy 'yung kabila."

"Swerte ng mga Vasquez."

Nanginginig hindi lang ang buong katawan ko kundi pati ang laman ko sa galit. How could he do this to me? To us? Alam naman niya kung gaano ka-importante para sa 'kin na maipanalo ang kasong 'to pero ano'ng ginagawa niya? Siya na naging sandalan ko noon ay siya ngayong naglulubog sa amin sa putikan!

Walang duda na napakagaling nga niya. Dahil nagawa niyang isalba ang isang kriminal na papalubog na sa unang beses pa lang na pagtapak niya sa korte. Pero ano'ng silbi ng galing niya kung maling tao naman ang ipinagtatangol niya?! Nakakagalit! Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang bagay na 'to.

Dahil kaya 'yon sa offer sa kanyang posisyon sa higher courts? Because if that's the case, he literally just sold his soul to the devil.

"P-portia, uwi na tayo girl." Hinawakan ako ni Lyra sa braso at inalalayang maglakad palabas ng korte. Para akong matutumba sa bawat paghakbang ko kung hindi lang ako hawak ng mga pinsan ko.

"Ako na ang maghahatid sa kanya," sabi ni Easton pagkalabas namin. Agad na binawi ko ang braso ko nang hawakan niya ito.

"Gusto ko munang mapag-isa."

"No-hindi pwede," kontra ni Dior at kinaladkad ako papasok ng sasakyan niya. Walang nagawa ang mga pinsan ko at si Easton. Mas lalo naman ako na no choice kundi ang magpatangay sa kanya.

Naka-labi akong umupo sa shotgun seat.

"Naiintindihan kita kung gaano kasama ang loob mo ngayon kaya lalong hindi kita pwedeng hayaan mag-isa!"

"Kung iniisip mo na baka magpakamatay ako...." nilingon ko siya at seryosong tinignan siya sa mata. "Nagkakamali ka, okay?"

"Ano ba kasing pumasok sa utak niyang jowa mo? Ay...kayo pa ba?"

"Ewan."

"Hiwalayan mo na lang 'yan. Mukhang nahipan ng masamang hangin, e."

Parang nanlamig bigla ang mga kamay ko. Pinagsiklop ko ang mga ito habang pilit na kinakalma ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag 'yung lungkot na nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko pa lang na maghihiwalay kami para na 'kong mamatay.

Naluluha kong hinarap ulit si Dior.

"Kausapin ko kaya siya? Baka hinihintay lang niya 'kong humingi ng sorry sa mga ginawa kong pang-aaway sa kanya?" Tumulo ang luha ko at wala sa sarili ko lang na pinunasan 'yon. Nakita ko naman ang matinding awa sa mga titig ng pinsan ko.

Do I sound so pathetic?

"Are you doing that dahil natatakot ka na manalo sila sa kaso? Or..." Saglit siyang tumigil bago nagpatuloy. "Maybe because you can't afford to lose him?"

Tinamaan ako ng husto sa sinabi niyang iyon. Mabilis na tumingin ako sa kabila para itago ang tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha ko pero hindi ko rin napigilan ang pagkawala ng mga hikbi sa bibig ko. Napatakit ako ng mukha sa kahihiyan sa pinsan ko.

"I'm sorry, Dior..." I said while sobbing.

"Hey, you don't have to say sorry." Nilapitan at niyakap agad niya 'ko na lalong nagpaiyak sa 'kin. "I know it's hard kaya iiyak mo lang 'yan." Tinapik tapik niya ang likod ko na parang nakababatang kapatid na pinapatahan. Mas lumala tuloy ang pag-iyak ko pero hinayaan niya lang ako. I just stopped when I felt like I had run out of body water already.

"P-pwede bang sa 'yo muna 'ko? Kahit 1 week lang habang hindi pa 'ko nakakahanap ng bagong apartment." Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi pagkahiwalay ko sa kanya.

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon