Kabanata 24

26.6K 741 280
                                    

Kabanata 24

Kidnapping is one of the most common crimes in this world. Noong bata ako laging panakot sa 'kin na kapag naglikot ako ay kikidnapin daw ako ng mga alien para dalhin sa Pluto.

Kaya bata pa lang ay namulat na akong kinatatakutan ito. Who would want to be abducted by aliens? 

Pero sa puntong ito ng buhay ko, handa ko ng isuko ang sarili ko sa kidnapper na nasa harapan ko. Marahil kung alam ko lang na siya ang kidnapper na dudukot sa 'kin sa lifetime na 'to ay mas nakapaghanda ako.

Nakapag-retouch man lang sana! Haist.

"You're very easy to abduct." Tinanggal niya ang kamay na nakatakip sa bibig ko pero kinuha ko ulit iyon at dinala sa pisngi ko.

"Basta ba laging ikaw ang dudukot, I will always surrender myself to you." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti at bahagya niyang itinulak ang noo ko.

"You silly girl."

"Correction, your silly girl." I smirked.

"Ahuh?"

Hawak niya ako sa aking palapulsuan habang papalabas kami ng munisipyo. Pinauna ko ng bumalik sa opisina si Kuya Artchie para maibigay niya kay Justine ang mga materyal na kinunan namin at saka ko na lang ipapadala ang script ko sa kanila.

Since maaga pa naman para sa family dinner namin ni Fyuch, pumunta muna kami sa isang coffee shop para makapagsulat ako ng balitang kailangan kong ipadala kina boss.

Kinuha ko agad ang bag ko kay Fyuch at nilabas ang laptop ko. Oo—siya nagbitbit! Omg. Very manliligaw talaga ang peg dibaaaa??

Habang naghahanda ako sa pagsusulat ay siya naman ang pumila para umorder ng drinks. Pumwesto ako kung saan masusulyapan ko pa rin siya kahit may ginagawa ako. For inspiration ba!

"Thank you, Fyuch."

Kinuha ko ang inilapag niyang inumin sa harapan ko nang hindi inaalis ang mga mata ko sa laptop.

"Do you want anything else?"

Umiling ako. "Ikaw lang sapat na."

Pinigilan ko ang sarili kong tignan siya dahil baka hindi na 'ko matapos sa ginagawa ko kapag humarot pa 'ko rito.

Pero dahil masyadong patay na patay sa 'kin 'tong manliligaw ko, sinusubuan pa 'ko ng inorder niyang cake habang nagtitipa ako sa 'king keyboard.

Hay, ang hirap talaga maging maganda. The struggle is real! Char.

"Fyuch, anong pwede kong dalhin sa inyo mamaya?"

"There's no need for that. They already got everything in there." Edi kayo na.

"Nakakahiya naman kung first time kong bibisita sa inyo tapos wala man lang akong dala!" reklamo ko habang parang galit na galit ako sa pagta-type.

"Believe me, Portia. You don't need to bring anything. That should be me doing that when I visit your home."

Muntik kong madura ang kape na iniinom ko.

"M-May balak kang mamanhikan sa 'min?!"

"Of course, pero hindi pa ngayon. Hindi mo pa 'ko sinasagot."

Uh... Well. Itinago ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Yeah, sorry...my bad."

Nagmamaganda kong hinawi ang buhok ko sa likod bago ko ibinalik ang aking atensyon sa sinusulat ko.

Sorry na lang, Fyuch ha dahil kailangan pa kitang i-test kung gaano mo 'ko ka-love before kita sagutin. Mahirap na sa panahon ngayon. Kailangan segurista tayo. At saka gusto ko 'yung parang noong unang panahon. Yung talagang paghihirapan mo na makuha ako!

STS #2: Give Me More Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon