[Portia]
"Portia? Huy gising na. Wala ka bang pasok?"
"Hmmm...wait lang..." Tinaklob ko ang yakap kong unan sa ulo ko at sinipa itong naninira ng tulog ko. Pucha! Nilalagari yata ang bungo ko sa sobrang sakit!
"Kapag hindi ka pa bumangon d'yan bubuhusan na kita ng malamig na tubig."
"5 minutes pa, Fyuch..." antok na daing ko. Feeling ko ayokong bumangon ngayong maghapon na 'to. Dito lang ako sa kama ko. Hindi ako aalis.
Hinintay ko siyang kumontra, but a short silence suddenly enveloped the whole surroundings. Bigla na lang akong may narinig na humahagikgik sa tabi ko na parang baboy at hindi ako pwedeng magkamali. Hagikgik iyon ni Adara. Patayo na sana ako nang mag-sink in sa utak ko iyong sinabi ko kanina.
Tang... ina.
Feeling ko nagdugo ang ibabang parte ng labi ko sa sobrang diin nang pagkagat na ginawa ko. Anak naman ng pitong puting tupa! Binangungot ba 'ko at nasabi ko 'yon?! Lasing pa ba 'ko? Shutanginames talaga!
Imbes na bumangon tuloy ako ay nagtulug-tulugan na lang ako 'wag lamang tumayo sa kinaroroonan ko ngayon. Hindi ko pinakinggan ang magkakasunod na pagtawag na ginawa sa 'kin ng best friend ko kaya't nainis na yata ito.
Para akong biglang itinulak sa bangin at dire-diretsong nagpaikot-ikot hanggang sa biglang bumagsak na lang ako sa napakatigas na sahig.
"Aray ko pucha ang sakit!!" bagong gising na daing ko habang hawak ang balakang kong tumama mismo sa matigas na sahig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at bumulagta sa harapan ko ang nakapamaywang na si Adara. Nakabihis na at mukhang papasok na sa opisina.
"Akala ko ba pampaantok lang iinumin mo kagabi? Bakit ka naglasing??"
Naalala ko bigla ang dami ng nainom ko. Napakamot tuloy ako sa ulo.
"Napasarap lang ang inom."
"Ahh....kaya may ganap ng pagbabalik feelings." Naglaro ang mga nakakalokong ngiti sa mukha ni Adara. "Namiss mo ba??"
Salubong ang kilay kong tinignan siya. "Pinagsasabi mo?"
"Sabi mo kaninang natutulog ka, Fyuch ko miss ko na ikaw. 5 minutes pa—"
"Ahhhh! Pucha ang sakit ng ulo ko ahhhh 'di ko na yata kayang mabuhay!" Isinubsob ko ang mukha ko sa kama at tumuwad saka nagpagulong-gulong.
Tangina, sinabi ko ba talaga 'yon kanina?! Fuck!
"HAHAHAHAHA." Hinatak niya ang kumot na nakatalukbong sa 'kin habang tumatawa pero binalik ko rin ulit. "Hoy, nalasing ka nga?! Seryoso ba?!"
"Bwisit ka pinagtitripan mo ba 'ko?!"
"Sa'n ka uminom? Nasa'n mga pinag-inuman mo?"
Nakasimangot kong tinanggal nang kaunti ang taklob sa ulo ko. "Sa mini bar n'yo. Di mo ba nakita? Sorry mamaya ko na lang liligpitin before ako umalis. Pero teka...paano nga ba ako nakarating dito sa kwarto?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko. At saka ano pang liligpitin mo, eh malinis naman na. Wag mong sabihin na sa kalasingan mo hindi mo na rin maalalang nagligpit ka pa kagabi?" natatawang tanong niya pabalik. Akala yata nito nagbibiro ako.
Hindi ko na napigilan pang pagtaasan siya ng kilay. "Anong niligpit ko? Ni hindi ko nga maalala kung paano ako nakarating dito."
"Baka 'yung pinag-inuman n'yo po?" pilosopong sagot niya.
Napahawak ulit ako sa ulo ko at pilit na inaalala kung ano bang ginawa ko kagabi.
"Tae bakit wala yata akong maalala? Hindi mo ba 'ko pinuntahan kagabi? May maid ba kayong pang-gabi? Baka 'yun ang naglinis ng mga kinalat ko?"
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...