Kabanata 8
Nag-ha-hallucinate na ba 'ko? Did he just accept my friend request now?
Sabay na nalaglag ang mga balikat ko habang malungkot na nakatitig pa rin sa screen. Bakit ngayon pa? Ngayon pa na kailangan na kitang i-uncrush? Naibato ko na lang ang cellphone ko at ibinagsak ang sarili ko sa kama, una mukha.
Napatalon ako at dali daling hinanap ang cellphone na ibinato ko nang marinig kong tumunog ulit ito. Damn! Saan na napunta 'yon?! Dinungaw ko ito sa ilalim ng kama ko at bumaligtad ako sa sobrang pagkadungaw.
"A-Aray ko tangina."
Nagising ako lalo sa pagkakauntog ng ulo ko. Shet! Ang sakit ng bumbunan ko ah! Di bale sana kung nakalilimot ng crush ang pagkakauntog ko. Amp! Pagapang kong tinungo ang phone ko na tumilapon pala sa pinakasulok ng kama.
sssmith: Portia.
Holy shit.
Dahil sa hindi ako sigurado kung siya nga ba itong nag-chat sa 'kin o baka lasing lang talaga ako, vinisit ko ang profile niya at pinakatitigan ang profile picture niya. He's wearing a plaid trench coat, then eyeglasses. Tapos nasa isang event yata siya, nakaupo, malayo ang tingin. Kung siguro'y kilala na niya 'ko nang kinunan ang litratong ito ay iisipin kong ako ang iniisip niya rito. Char! Pero no no no. Stop na. Hindi na kayo pwede, Portia.
"Bakit mo ba 'ko chinat?" parang tanga na tanong ko sa profile picture niya. Aba magugulat ako kapag ito nagsalita.
sssmith: tulog ka na?
Napaigtad ako nang magpop-up ulit ang chat head niya sa screen ko! Omfg what's the meaning of this?!
sssmith: typing...
Fuck! He's fucking typing and I'm so fucking tensed!
sssmith: sorry for disturbing you late.
sssmith: I just want to apologize.
sssmith: Portia, I'm sorry. I didn't mean to accuse and hurt you.
Sumakit bigla ang ulo ko, pero pinakatitigan kong mabuti iyong messages na sinend niya. Totoo nga sila my gosh. Huhuhu. Pucha nanginginig 'yung mga daliri ko na nagta-type ng reply!
porkshaaa: luh! Seryoso po ba 'to? Hindi po ba prank 'to? Baka naman po may camera dito sa kwarto ko tapos biglang may boses na sisigawan akong tangina tanga ka ba? Hindi nga kita gusto! Alin do'n ang hindi mo maintindihan?
sssmith: I'm serious. Kelan ka babalik sa condo? Let's talk.
Fuck!
porkshaaa: now na sunduin mo 'ko.
Sinend ko sa kanya ang address ng bahay namin at nagmamadali kong pinaglalagay ang mga gamit ko sa duffle bag ko. Hindi na 'ko nagpaalam kay Daddy dahil ayokong malasin pa kapag kumatok ako sa kwarto nila at makita ko ro'n si Allyson. I'll just call him tomorrow na lang. Pagkaayos ng mga gamit ko ay umupo ako sa harap ng salamin at inayos ang sarili ko. I fixed my hair and makeup. Nanlalamig pa rin sa kaba ang mga kamay ko habang hinihintay na mag-chat si Attorney.
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romance[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...