Kabanata 5

36.4K 1K 273
                                        

Kabanata 5

"Tangina kasi wala ka pa mang friend request, relationship status agad nirequest mo!"

Malungkot akong kumapit sa braso ni Dior at nagsumiksik sa kanya dito sa sofa after kong mag rant sa pambabasted sa 'kin ni Fyuch sa socmed. Huhuhu. Binato naman ako ng bag of chips ni Lyra.

"Buti nga sa 'yo. Di kasi nag-aaya." Sumbat niya nang sinabi ko pang naro'n si Steel.

"It wasn't even planned kaya paano akong mag-aaya?" Inirapan ko siya.

Nagpuntahan ang mga gaga dito sa condo nang sabihin kong wala si Kairo. Ang aga aga kasi nilang nagwawala sa GC para mag-aya na naman ng inom mamaya. Kaso tumanggi ako dahil masakit pa ang ulo ko sa nainom ko kagabi. Pati puso ko masakit pa rin. My heart went oops.

"Sus. Gusto mo lang lumandi mag-isa. Ashuuuuu." Sinipa ko ang nakasalampak na si Mona sa sahig habang kumakain siya sa coffee table.

Nakanguso akong nagmukmok. Paano ko haharapin si Fyuch nang hindi ako napapahiya sa pambabasted niya kagabi? Should I just treat it as a joke? Na naduling lang 'yung kamay ko at ibang request ang napindot? Ay ambot! Nakakaloka itech!

"Hoy gaga yung cellphone mo kanina pa nagwawala," ani Mona.

"Yaan mo 'yun."

"Kapag 'yon importante tatawanan kita."

Hinila ko ang buhok ni Mona bago ako bwisit na bwisit na tumayo. Narinig ko pa ang pasigaw na reklamo niya pagkaripas ko ng takbo papasok ng kwarto. Tinanggal ko sa charge ang phone ko at chineck kung sinong lintek ang nang-iistorbo sa 'kin sa oras ng pahinga ko.

5 missed calls from Captain Alvarez.

Hala. Bakit naman tatawag ng paulit ulit si Captain? Tapos Sabado pa. Shit. Kinabahan ako bigla pucha. It's either breaking news 'to or something that will break my heart. Ajujuju. Nag-callback agad ako nang masagot ang katanungan kong 'to.

"Captain, sorry naka-charge 'yung phone ko! Anong meron?"

[Mika withdrew the case against Pablo Vasquez.]

"What the fuck?! Why?!"

[I don't know either.] parang stress na stress din ang boses niya sa sinabi niya. Shit. [Bigla na lang inatras ng abogado niya ang kaso. And there's a news na nagkabalikan daw silang dalawa.]

"Tang.ina." yun lang ang nasabi ko. Dahil ako ang may hawak ng balitang ito, kailangan kong magsulat ng update sa movement ng kaso, pero heto inatras na lang bigla? Fuck. Anong isusulat ko neto? That they chose to live happily ever after? Like father, like son talaga ang mga bwiset na Vasquez na 'to. Masyadong hayok sa publicity ampupu!

[What are you gonna do now?]

"Maglalasing."

[What?]

"Badtrip kasi kainis! Wala naman tayong magagawa kung inatras niya e. Kaya iiinom ko na lang ang inis ko para masulat ko 'tong update sa kaso niya." Tumawa ako ng pagak at parang gusto kong tusukin ngayon din ang mga mata ng Mika na 'yon. Ang tanga lang niya! Paano pa niya nagawang balikan ang lalaking 'yon after all the shits she had been through with him?!

I heard Captain chuckled. [Hayaan mo na 'yon. Wag ka ng maglasing. Just enjoy your weekend with a perfect rest.]

"Kailangan kong isulat 'yon ngayon dahil mapapanis na 'yon sa Lunes. Wala! Sira na ang pahinga ko!"

[Can I help? I know a perfect place where you can drink while writing peacefully.]

"Really?!" Ang sexy tumawa ni Captain shet! Kaso may Fyuch na 'ko at loyal ako sa kanya. Ahihihi.

STS #2: Give Me MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon