Angel's note: Here's a photo of our Fyuch-ur husband. 🙈
Enjooooy!***
Kabanata 29
Nabusog ako kakatawa buong byahe namin ni Fyuch papuntang Pampanga. Akala ko nga ay lalabas na 'ko ng sasakyan nang may asawa na. Chos!
"2 rooms—"
"Just 1 room, Miss," agap ko.
Nagpalipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Fyuch 'yung receptionist. Parang hindi nito alam kung sino ang susundin sa amin. Nginitian ko ito at sinenyasang i-go na 'yung isang kwarto lang.
"Magsasayang ka pa ng pera sa dalawang kwarto. Akala mo namang 'di pa tayo natulog ng magkatabi," sabi ko habang paakyat kami sa elevator.
"I just thought that you would want a separate room."
Nanlaki ang mga mata ko.
"What? Me?" Hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili ko. "Eh noong hindi pa nga tayo gusto ko ng katabi ka lagi, ngayon pa ba? Kung kasya lang siguro ako sa bulsa mo baka namuhay na 'ko ng mapayapa d'yan."
Nakita ko na namang lalong lumigaya sa piling ko si Fyuch. Char! Eh kasi naman simula noong naging kami ay madalas ko na siyang nakikitang tumatawa. Feeling ko nga nababaliw na siya sa 'kin. Ahck!
Pinisil niya ang ilong ko. "Ikaw talaga puro ka kalokohan kanina ka pa."
"Aray! Aray! Aww!" Tinapik ko ang kamay niya para matanggal. "Sino'ng may sabing puro ako kalokohan?! Napakaseryoso ko kaya sa 'yo!"
"Same."
Pagbukas ng elevator ay natatawa niya 'kong inakbayan habang bitbit niya sa kabilang balikat iyong mga gamit namin. Oh diba sumasagot na siya ng maayos ngayon? Iba na talaga ang nagagawa ng pag-ibig ni Portia.
Ngiting ngiti pa 'ko habang naglalakad kami. Kaso nang buksan na niya 'yung kwarto namin...muntik akong mahimatay.
"Bakit dalawa 'yung kama?!" Nakapamaywang akong humarap sa kanya.
What is the holy meaning of this?! Omg nooooo! Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko at maiyak iyak na tumingin kay Fyuch.
"Fyuch? Why?" Namamaos kong tanong, teary eyed.
"That's the only available room."
"Ihh!"
Niyakap ko ang sarili ko tapos gumulong gulong ako sa pader. May nakain yata akong unlucky food ngayong araw kaya nangyari sa 'kin ang kamalasang ito.
Nakasimangot akong pabagsak na umupo sa isang kama habang siya naman doon sa kabila. Masama ang tingin ko sa kanya habang nilalapag ang gamit ko sa tabi. Maganda naman 'yung kwarto e. Spacious and nakaka-relax ang pagka-minimalist na disenyo nito. 'Yung magkahiwalay na kama lang talaga ang hindi ko gusto!
BINABASA MO ANG
STS #2: Give Me More
Romantizm[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a criminal lawyer and help his first love in the controversial case of her father. However, his heart got broken when he found out that the woman...