Susugod sana si Vane patungo sa direksyon ni Rich ngunit pinigilan siya ni Himig. Hinawakan siya nito sa braso na para bang isang bata.
"Don't. He's not worth it."
"Sumusobra na kasi ang gagong iyan, e. He already ruined our friendship tapos iyong dahilan noon ay parang madali lang niyang iwan. Damn him, Himig. Ganoon ba siya kagaling at kaimportante para i-take for granted si Kulture?"
"It was Kulture's decision too. Alam niyang sa oras na may piliin siya sa ating tatlo, it is also the same time na isa siya sa magiging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan natin. Saka isa pa, she is also aware of how much of a womanizer Rich is, yet she still chose to-"
"She only said yes because I told her to!" Asik ni Vane na sumigaw pa. "The night before she said yes to him, kinausap niya muna ako. She asked me if I do not like her and if she should really just accept Rich. That was my mistake. Ako ang gusto ni Kulture but I paved the way dahil gusto siya ni Rich. And now he has the audacity to take her for granted? Wow. Gaano kakapal ang mukha mo, Rich?"
"Nag-usap kayo?"
Imbes na sagutin ni Rich ang tanong ni Vane at dipensahan ang sarili niya ay iyon ang tanong na lumabas sa kaniyang bibig. And I knew right then he is fucked up. Sinasabi ko na nga ba at hindi pa tapos ang mga rebelasyong ito. There's more entertainment than what I have expected.
"Crone, tinatanong kita kung nag-usap kayo nang gabing sagutin ako ni Kulture!"
"Yes. A minute before you two became official. Now, naliliwanagan ka na?"
Rich gave us a bittersweet smile. Hindi yata makapaniwala sa kanilang naririnig. Umiling nang bahagya saka animo ay hindi makapakali sa kaniyang puwesto. Ako naman at si Vintage ay walang ibang ginagawa kung hindi ang magmasid at makinig sa away ng mga kasama naming lalaki.
Kulture must be so damn lucky to be inside these three gentlemen's heart. This is what Vane meant when he said he do not want another relationship to be ruined only by a woman.
"Tama na, Vane. Okay na. Tumahimik ka na. Hindi tayo puwedeng mag-away dito at alam nating lahat na kapag nangyari iyon, hindi maganda ang kalalabasan. Kaya mo siyang patayin dahil sa ating tatlo, ikaw ang pinakamalakas at may kapangyarihan. But if you do that, it will just worsen the situation. Hindi ka mapapatawad ni Kulture. You know how territorial she is."
"Huwag mo akong pangaralan na para bang ayaw mong patayin si Rich."
Umiling si Himig saka napabuntong-hininga. Binitawan na niya si Vane saka umalis. Naupo sa isang tabi saka itinaas ang paa. Doon pa lamang ay idineklara na niyang tapos na siya sa pakikipag-usap sa kahit kanino.
"Kulture, hmm?" I asked na alam na niya ang ibig kong ipahiwatig. "That lucky woman."
Napapangiti ako habang tinitingnan ang reaksyon ni Vane. Kulang na nga lang ay inisin ko siya at paulit-ulit na gawin iyon.
"Gusto mong gantihan si Rich? I can play with you."
"Ayaw ko. I'm done playing."
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...