Pumasok ang isang matandang babaeng ang buhok ay halos sumayad sa may puwitan niya sa haba. Nakasuot ito ng puting bestida at napakaganda ng kutis. Sa tantiya ko ay may katandaan na siya ngunit nananatiling maganda ang pangangatawan. She must be very careful on how the way she lives. A body-conscious type of person. Tumingin muna siya sa akin bago tuluyang pumasok. Sinenyasan ko rin si Himig na lumabas na rin sapagkat halata namang gusto ng matandang babae na maging pribado ang aming usapan."Ako si Amaya. Ang punong babaylan." Pag-uumpisa niya. "Narito ako upang ika'y malugod na batiin sa iyong ligtas na pagdating sa kaharian."
(Amaya: Ang Punong Babaylan)
Hindi ako nakasagot kakaagad. Instead of acknowledging the woman, I was thinking of what a babaylan means. Minsan ko na iyong narinig mula sa mitolohiya ng Pilipinas ngunit hindi ko matandaan. I wasn't interested in knowing it until now. Basta ang alam ko, they are shamans who have supernatural powers, kung hindi ako magkakamali. They can talk to spirits and even with nature. Kadalasan sa kanila ay mga babae. They can even contact gods.
"Ang isa pa ay nais kitang balaan." She said. "Sa panteon ng Kasamaan ay ikaw pa lamang ang nakakarating sa kaharian. Iisa ka lamang na naririto sa ilalim ng bubong ng pulang palasyo maliban sa aliping ipinagkaloob sa iyo. Malapit na ring sumikat ang pitong ginintuang buwan kaya naman kailangan mo na ring kumilos. Kung maaari ay ikaw na rin ang sumundo sa kanila sapagkat hindi lubos na kaya ng mga mensaherong sila'y makumbinsi sa kani-kanilang pagkakakilanlan."
"Ang apat na agents ni Sitan ba ang sinasabi mo?"
Tumango siya. Akala ko ay hindi niya maiintindihan ang salitang agents dahil hindi siya nagsasalita noon kahit isang salita man lamang. Isa pa, she really looks like a person from some kind of a tribe. Iyong unang tingin mo pa lamang ay mahahalata mo nang hindi mula sa modernong mundo siya nakatira sapagkat ni wala ni isang impluwensya noon. Mayroon man ay ang mga tinta sa katawan na sa pagkakaalam ko ay mayroong mga espisipikong kahulugan.
"Opo, Klara Delos Sinne. Maaring alam mo na ang mga batas at patakaran ng kahariang ito. Hindi na ako magtatagal pa upang ika'y makapagpahinga nang muli at hindi rin magambala." She said then vowed a little. Nakita ko pa nga na medyo napatingin ito sa fireplace bago magpaalam. "Ako po ay aalis na. Salamat sa oras na iyong ipinagkaloob upang ako ay pakinggan. Sana ay matiwasay ang iyong pagtulog pati na rin ang pananatili mo sa kaharian."
Pinanood ko lang siyang umalis ng kwarto. She was talking as if she's not welcoming me but warning me instead. Nakakapagtaka ring hindi siya makatingin nang maayos sa aking mata. I observed how she speaks, and her eyes barely met mine. Mukhang iniiwas niya nang tuluyan. Baka ilang siya o sadyang ayaw lamang niyang tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...