39: The Quick Talks

854 70 2
                                    

"Oh, e ba't parang galit ka? Ayaw mo bang nahulog ka tapos nakabasag ka? Pasalamat ka nga at hindi kita sisingilin sa damage na nagawa mo, e."

"Excuse me, Salamangka. Wala kang karapatang singilin ako kung saka-sakali. I am one of the chosen ones and as far as I know, I can live here if I want. Huwag mo akong pinag-"

"Huwag mo akong tinatawag na Salamangka, Gayuma."

Napailing ako sa away ng dalawa kong agent. Finding another agent that is a woman probably will cause me even more problems than having male agents.

"Nasa baba lang naman ang pintuan ng portal kung iyon ang tinatanong ninyo, Klara. Hindi malayo. Mga ten-minute walk-"

"Ten?" Agad na putol na naman ni Vintage sa sinasabi ni Valerie. Halata ang pagkagulat. "Bakit ang tagal? Ganoon ba kalawak ang mansyong ito?"

Ako naman ay napakunot ang noo. Vintage isn't this talkative just a while ago. Hindi siya madalas makipag-usap sa amin or maybe she's really not in the mood to talk to us. More precisely, hindi niya kami gustong kausap. Now she found someone she can vibe off all of a sudden. Si Valerie iyon. Sabagay ay halos parehas naman sila. Mga pinagpala ni Manggagaway at Mangkukulam. Two chosen ones of two evil goddesses.

"Kung maliit ang mansyong ito, sa palagay mo ba ay magkakasya ang isang libong portal?"

"No. Paano mo nga pala nasabi agad ang numero ng mga pinto and where exactly is-"

"I was here since the last four months. Hindi ko naman papatayin ang sarili ko sa bagot. I need peace and entertainment at the same time kaya naman pinapasok ko isa-isa ang mga portal kapag wala akong ginagawa. Well, it is fun. Pinakamasaya sa Yasamin City dahil mas maraming mas magagandang view. You can have one-night stands to different-"

"Oh, so sex is the definition of happiness for you." Muli ay putol ni Vintage na animo ba ay may ibang ibig sabihin. "Sex or chocolates?" 

"Sex."

"Sex or prowess?"

"Sex."

"Sex or peace of mind?"

"Peace of mind is having sex. So, sex."

"Sex or Rich Primero?"

"Sex with Rich Primero."

Napailing ako nang dismayado sa kanilang usapan na animo ba ay walang nakakarinig. Sandali kong sinulyapan si Himig para tingnan ang kaniyang reaksyon ngunit halatang wala siyang pakialam. He's not minding these ladies' businesses.

"Let's wait for exactly ten minutes here bago ako magpasya kung papasukin na ba natin ang pintuan patungo sa Yasamin City." Sambit ko na kanilang ikinatigil sa mga impit na pagtawa. "I am giving Vane and Rich ten minutes to get here. The chances of them falling in this same mansion is higher than the possibility of them falling to a different portal since Vane was near Vintage when the sandstorm came and Rich was near me and Himig."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon