Naupo ako sa isang upuang gawa rin sa bubog habang ang tatlo kong kasama ay nakatayo at hinihintay lang kung ano ang posible kong ipagawa. Hindi pa rin sila makahuma kagaya ko sa taong nakilala namin. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin sila at nagtatanong. Makikita iyon sa mga mukha nila hindi man sila magsalita. Naupo na rin naman si Damion sa may tabi ko. Just like me, he's still wearing a white robe. Funny because he said he's the only person that can wear white in this village. So, I guess I am the Primo's VIP.
"Crone." Pag-uumpisa niya. Itinuro ang kamay nito saka animo ay kinikilatis nang mahusay. Doon rin lang napagtanto ni Vane ang singsing na mahiwagang napunta sa kaniyang daliri. "It seems like she likes you and trusts you for you to have her ring."
"Her? Ang agent ni Klara na ipinunta namin dito? Malayo sa katotohanang ibinigay niya sa akin ito nang tuluyan. She attacked Klara. Sinalag ko lang iyon para hindi siya matamaan. Nang sugurin ko siya ay doon kami nadala sa mundong ito. Wala akong natatandaan na ibinigay niya ang singsing niya sa akin nang kusa. And to clear my name up, hindi ko rin ito kinuha nang sapilitan. Maybe she was really smitten by me the second she laid eyes on me. Hindi na ako magtataka."
"It's a weapon." Si Damion. "A very powerful jewelry of hers. A priceless opulence. Hindi niya basta-bastang iwawala iyan nor let a stranger hold it. She'll come back for it."
"She's my agent. May divine marking siya. So kilala mo ba siya? Can you summon her para mas mapabilis ang pag-alis namin dito? May dalawa pa kaming hahanapin at apat na araw lamang ang aming palugit."
"Yes, but I won't. Pare-parehas ang deskripsyon ng mga Primo ko rito. Pare-parehas na mahahaba ang itim na buhok, magkakalapit na kulay ng mga mata, pati na rin ang hubog ng mga katawan at kani-kanilang mga tangkad mapababae o mapalalaki man. It will be very difficult for me to summon someone unsure of her name. Kung talagang gusto ninyo siyang hanapin, you should go to the fire healer's area."
"Saan 'yon?"
"Sa middle part kasama ng stone and water healers."
Napatango na lang ako. Pasimple ko ring tiningnan kung ano ang reaksyon ng tatlo na ngayon ay nakatayo pa rin. Halatang mataman silang nakikinig at interesadong-interesado pa.
"Sandali nga, bakit hindi mo alam ang kaniyang pangalan e nasasakupan mo lang naman siya?" Si Himig. "You must know her name."
"I have eleven thousand six hundred eighty-seven thousand healers. Even you can't memorize a thousand different names."
Hindi nakasagot si Himig. Natatawa naman ako sa reaksyon niya. If he is fierce, I know Damion is fiercer. Nasa kaluluwa namin ang pagiging competitive kaya kahit ilang reincarnation pa 'yan ay walang makakatalo sa ugaling iyon. Niche yata ng pamilya namin ang pagiging competitive.
"Lima ang uri ng healers ko. Ang una, ang kinatatayuan natin ay ang solar healers. Mga healers na obviously ay sa araw kumukuha ng enerhiya. The same goes to the lunar healers. Sa gitna ng isla, sa ilalim ng parteng ito ay ang mga fire healers and water and stone healers. Sa pinakailalim ay ang dark healers. They do not need the energy of the sun nor the moon." Pagpapaliwanag ni Primo. "Ngayon, pasensya na kung hindi ko mahanap kakaagad ang may-ari ng singsing na iyan. And to make it easier for all of you, it's not a normal ring. Isang tao lamang ang maaaring magmay-ari niyan."
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...