00:

4.6K 127 19
                                    

This is Philippine mythology inspired kaya naman marami talaga ang characters. Do not worry though, hindi ko naman ibabagsak sa isang kuwento ang lahat ng characters dahil napakarami ng gods and goddesses ng PH myths. My only goal here is to introduce our own mythology to those people who are willing to learn in a fun way. Don't just read. Observe and learn.

So, as usual this is the summary of Philippine mythology and the characters in the series.

~

Anitismo o ang salitang tumutukoy sa Mitolohiya ng Pilipinas o mga katutubong relihiyong minana mula sa ating mga ninuno, ay isang lupon ng mga kuwento, mitolohiya, at paniniwala ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga espanyol.

Ipinapaliwanag sa mitolohiya ng Pilipinas ang kalikasan ng mundo sa pamamagitan ng mga aksyon at paniniwala sa mga diyos at diyosa (diwata sa hilaga at anito naman sa timog), mga bayani ng mga epiko, at mga gawa-gawang nilalang.

Kagaya ng karamihan ng mga mitolohiya, ang mga Pilipino ay naniniwala sa konsepto ng mga mundong nahahati sa tatlo. Ang Kaluwalhatian, Kalupaan, at Kasamaan.

Mayroon ding dalawang panteon ng mga diyos at diyosa. Ang mga nakatira sa Kaluwalhatian at Kasamaan habang ang mga diyos naman na nakatira sa Kalupaan ay walang pinag-isang panteon.

Kaluwalhatian》 sinaunang bersyon ng mga Tagalog ng HEAVEN o ang kaharian sa langit at korte ni Bathala. Hindi maaari ang pagtatanim at panghahabol ng usa rito.

Kalupaan 》kaharian sa lupa.

Kasamaan/Kasanaan 》 sinaunang bersyon ng mga Tagalog ng HELL na kilala bilang nayon ng pighati at pagdurusa. Dito ipinapadala ang mga masasamang espirito at sa Maca naman ang mga mabubuting espirito. Gayunpaman, masama man o mabuti ang isang kaluluwa ay kailangan muna nilang dumaan sa pabaon ritual o ang pagbibigay ng mga regalo sa mga namatay upang baunin sa kanilang paglalakbay patungo sa Kasamaan o Maca.

------

[ Panteon Ng Mga Diyos At Diyosa ng Kaluwalhatian]

• Bathala 》 kataas-taasang diyos, hari ng mga minor na diyos at diyosa, tagapamahala ng Kaluwalhatian.

• Amanikable 》 diyos ng karagatan at pangangaso

• Idinayale 》 diyosa ng pagtatrabaho at paggawa

• Dumangan 》 diyos ng magandang ani

• Mapulon 》 diyos ng panahon

• Lakapati 》 diyosa ng pagyabong

• Mayari 》 diyosa ng buwan, digmaan, rebolusyon, at karapatan sa pantay na pamamahala (isa sa tatlong anak na babae ni Bathala sa isang mortal na babae)

• Tala 》 diyosa ng mga tala (isa sa tatlong anak na babae ni Bathala sa isang mortal na babae)

• Hanan 》 diyosa ng umaga (isa sa tatlong anak na babae ni Bathala sa isang mortal na babae) may isa pang personipikasyon/anyo bilang si Liwayway o ang diyosa ng madaling araw o pagbubukangliwayway

• Dumakulem 》 diyos na tagapagbantay ng mga kabundukan

• Anitu Tabu 》 diyosa ng hangin at ulan

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon