As soon as I stepped on the golden ship, it made its move. Hindi na ako nakagawa pa ng paraan upang lingunin kung saan nanggaling ang boses na karirinig ko lamang. Mabilis na bumulusok pababa ang salimbal at binabangga ang mga puting ulap. Mabuti nga at nahawakan ako ni Himig. Nakapuwesto ako nang maayos.
"You look scared." Malamig na sambit ni Himig saka umupo sa isang upuang hindi malayo sa akin. The golden ship is now having its smooth move. Hindi na singbilis ng kanina. "Takot ka ba sa heights?"
"No. I heard my husband's voice for the third time."
Agad na napakunot ang noo ni Himig. Hindi ko alam kung lubos na ba siyang naniniwala na kasal na ako sa nakaraan kong buhay o hindi para maging ganoon ang kaniyang reaksyon. Basta ako ay naguguluhan. I know exactly who that same voice belongs to.
"Let us settle this." Mayamaya pa ay si Himig muli. Tumingin siya sa akin na animo ay nagtatanong. "We're about to go to the land. May misyon ka ring dapat na gawin at hindi ka maaaring magkaroon ng distraction lalong-lalo na at napakakritikal ng mga oras na ito. Who is your husband?"
Tiningnan ko siya. Sandaling ngumiti at tinantiya kung nanghahamon ba talaga siya. Nang makita kong seryoso siya ay naglakad ako patungo sa kaniyang direksyon. Naupo sa upuang kaharap ng sa kaniyang kinauupuan.
"Masyado talagang matalas ang dila mo para sa isang alipin. And by that, I am rewarding you. I was Rafaela Arcañum. The second born child of the Arcañums of Necrostate, the most powerful state out of the seven. I was a necromancer. I am neither dead nor alive. I just exist and now I was rewarded by this body, the same face, and the same soul. I exist now to do a god's job. And yes, ang kasalanang nagawa ko ay ang kitilin ang sarili kong buhay. That was my ace for Sitan to personally choose me to lead in his name. My story is quite a challenge. Noon ay kaya kong alamin kung ano ang nakaraan ng isang kaluluwa sa pamamagitan ng simpleng paghawak ko sa kanilang katawan."
"Proceed to your story. Huwag mo nang pinapahaba."
Napangiti ako. Hindi ko maintindihan kung dapat ba akong matuwa o mainis sa asal ng alipin ko sa akin. I have been given different kinds of servants on my past life and he is the best one so far.
"May walo akong kapatid. The first born died early. Kasunod akong mamatay at si Raquel. Our husbands died with us, too. Hindi ko lang kung ano ang ikinamatay ng dalawang gagong iyon. But before I died, I made a promise with Raquel. In the next life, we'll see who's going to win."
Kumunot ang noo ni Himig sa sinabi ko imbes na matuwa. Doon ko napagtantong kulang pala ang aking kuwento. Naiintindihan ko naman siya.
"My husband's name was Zeus Kae. My sister's name was Raquel Arcañum, and her husband's name was Husky Bane. Just to make the story short, seven years kami sa tagong relasyon ni Zeus bago kami magpakasal at sa pitong taon na iyon, tatlong taon doon ay nagloloko na siya. Apat na taon lang siyang sa akin. He was saying I love you to me while having fantasies with my sister. He cheated."
"Why did you marry him still?"
Napatigil ako. I did not see that question coming. Bakit nga ba hindi ko iyon naitanong sa sarili ko dati? Mali pala. I already did. Natanong ko na pala noon ang sarili ko yet I chose to keep him.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasiaRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...