33: The Real Talks

903 75 4
                                    

Isa-isa kong tiningnan ang lahat ng kasama ko. Sa ngayon ay hindi na ako nag-iisang babae sa grupo. Nadagdagan na at sa pagkakaalam ko ay puro babae na rin ang dalawa ko pang agent. Ang una at ikalawa.

"Vintage, we need to talk." Sambit ko saka naglakad papasok ng barko.

Marahan lamang ang paglalakad ko habang pinapakiramdaman ang kaniyang pagsunod sa akin. Sa gilid ng aking mga mata ay makikita ang pagkunot ng noo ni Vane nang dahil sa sinabi ko. Malamang ay kung ano-ano na agad ang tanong na nabuo sa kaniyang isip. Hindi naman nagtagal ay nakalayo kami sa tatlong lalaking kasama namin. Nakapasok kami sa loob at siguro naman ay sapat na ang layo namin para hindi marinig ang mga pag-uusapan namin ni Vintage. And speaking of Vintage, she's still silent. Bago pa man ako tumigil ay naglakad-lakad pa ako habang inoobserbahan ang kabuuan ng barko.

"Ang kambal," Pag-uumpisa ko. "Kilala ka nila at mukhang kilala mo rin sila. How so? You are a chosen one and they are demi beasts."

"In any way, chosen ones and demi beasts can be acquaintances for they are enemies, right?"

Agad akong napalingon sa kaniya. Tumango nang marahan saka naupo sa isa sa mga upuan doong gawa rin sa ginto. Nagawa ko pa ngang itaas ang paa ko sa may mesa habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin, Vintage. Marami kang kasalanan sa akin simula nang oras na magkita tayo. You even attacked me. Alam mo naman siguro ang consequences ng mga aksyon mo. Sa apat na agent ko, ikaw ang sa pagkakaalam ko ang pinakamahina at siguro naman ay aware ka na ako lamang ang makakapagbigay sa iyo ng karagdagang lakas."

"Aware ako sa mga kilos ko, Klara. Parusahan mo ako kung gusto mo. I have already apologized for what I have done, and I am not going to repeat it again-"

"I like you." Putol ko sa kaniya. Imbes na magalit sa kaniyang pabalang na sagot ay natuwa pa ako sa kaniyang tapang. "I don't have any questions anymore. I like agents who have the audacity to compete with me. You've passed the test."

Halatang medyo naguluhan siya sa aking asal ngunit sa huli ay mas piniling huwag na lang kwestyunin iyon. Yumukod siya nang bahagya bago umalis na sa harapan ko. Naiwan ako roon na nakaupo pa rin nang prente. Mayamaya pa ay malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko.

What am I doing with my life? Parang walang saysay ang ginagawa kong pagtakbo, paghabol, at paghahanap sa mga taong hindi ko naman alam kung ano ang koneksyon sa akin.

I need to find Zeus Kae. I need to reverse the card.

Nanatili ako sa ganoong posisyon sa loob ng halos limang minuto. Sinubukan kong pumikit para sana magpahinga ngunit hindi nakikisama ang aking sistema. Ayaw yata akong pagpahingahin. Ayaw yata akong bigyan kahit kaunting oras na katahimikan. Muli tuloy ay napabuntong-hininga ako.

"Are you tired?" Boses ni Rich ang narinig ko mayamaya.

Nakita ko siyang naglalakad papalapit sa aking harapan. Ilang segundo lamang ang lumipas ay nakaupo na siya sa kaparehong mesa kung saan nakataas ang paa ko. Ni hindi niya inalintana na nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon