44: The Entertaining Talks

832 71 0
                                    

Simpleng pagtango ang itinugon ni Luan sa akin na malamang ay hindi napansin nina Yumi at Asrael sapagkat ang mga mata nila ay nakapukol sa akin, sa aming pag-alis. Napahinga ako nang maluwag habang nararamdaman ang papataas na paglipad ng Salimbat at papalayo namin sa kanila.

This shit ended soon and that is exactly what I wanted.

"Klara…" Si Vielle ang lumapit sa akin. "I think Rich died."

Hindi ko maintindihan kung nag-aalala ang reaksyon niya o hindi dahil sa tono ng pagsasalita niya. She seemed excited upon telling me he died. Isama mo pang parang kabarkada niya lang ako kung kausapin.

"Oh, my bad. I am Vielle Hati. Your second agent at malamang ay narinig mo na kung ano ang kapangyarihan ko at kung sino ako sa mga sigaw ng mga tao sa Yasamin City-"

"Yeah. You're the hoe."

"Ouch." She said. "A hoe for power. I prefer that but anyway Rich died. I think."

"Talaga? Patay na? Kanina naglalakad pa 'yan ah." Sinilip ko pa sila sandali.

There I found Rich lying down. Ilang metro ang layo sa hinihigaan ni Himig. Nakaalalay sa kaniya si Valerie habang nakamasid lang sa tabi ang magkatabing si Vane at Amugay. Parehas pang nakacross arms na animo ay ni-rehearse ang bawat ikikilos. Si Amaya naman ay nakaupo sa may harapan nina Amugay habang ang kanang kamay ay lumulutang-lutang sa mukha ni Himig. From where she is sitting, she's controlling her hand that eventually poked Himig's nose.

"Amaya, stop it. Nagpapahinga siya." Si Amugay. "Have some manners. Siya ang pinakamahina sa atin at malamang ay pinakamahina ang pagcope sa pagod."

"That's because he's so cute. Siya ang alipin ni Klara, hindi ba? Too bad we chosen ones are not allowed to affiliate romantic feelings with them."

"You seem disappointed. Gusto mo ba siya?" Malamig na tanong ni Vane.

Now, his eyes are talking. I smiled a little. Isinantabi ang problemang sinasabi ni Vielle para lang tingnan kung ano ang mangyayari sa pagitan nina Amaya at Vane.

"Fuck!" Sumigaw si Vane nang hindi niya makita ang kamay na sumalpok sa kaniyang pagkalalaki. Ang kaparehong kamay na sumusundot-sundot sa ilong ni Himig kanina. "Fuck!"

"Amaya!" Saway ni Amugay.

Mabilis nitong hinawakan ang kamay ni Amaya at hindi iyon pinakawalan. Naging dahilan iyon ng pag-irap ni Amaya saka ang isa pang kamay naman ang pinakilos. Sa sikmura naman iyon ni Vane tumama.

"Amaya Chatreussse Sindak! What the hell is wrong with you?" Muli ay si Amugay.

"He said I can hurt him the next time we see each other if that would satisfy me. Hindi ko pa nga siya sinasaktan, e. Sinusubukan ko pa lamang just to make sure if he can feel pain. Lugi naman ako kung kapangyarihan niya pala ang hindi makaramdam ng sakit, 'di ba?" Parang batang nagsasalita si Amaya nang sagutin niya si Amugay.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon