I woke up from a very relaxed sleep. The sun is sweetly peeking from the glass window. Hindi ganoon kasakit sa mata ang dulot nito. Namulatan ko rin ang isang magarang handa ng umagahan. It was served personally by Himig na ngayon ay hinihintay na lang talaga pala akong magising. I looked at him.
He's really handsome.
"I do not know what you like kaya naman inihanda ko na ang lahat ng maaaring magustuhan mo." Panimula niya.
Nagkibit-balikat naman ako at sandaling tiningnan kung ano-anong mga nasa mesa ang sabi niya ay inihanda niya. I was quite impressed. Maganda at presentable ang pagkakadisenyo niya at nakakaengganyong tingnan kung paano nakalagay doon ang mga pagkain.
"You prepared all of this?"
"Yes."
"Talaga? Marunong kang magluto? E hindi ba at sabi mo ay businessman ka? You even bragged about your title and place when it comes to your specialty. How come na marunong kang magluto? Personal chefs do that for you, right?"
"I am very conscious about what I eat. Nag-aral akong magluto at a young age. Hindi mapapagkatiwalaan ang mundo at ang mga taong nakapaligid dito lalo na sa mundong puno ng kompetensya. A single candy can kill you. What more can a personal chef can do?"
Napatango ako. May punto siya.
"Nasaan ang cr?"
Itinuro niya naman kaagad ang isang puting pinto sa akin na at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumasok doon. It might look small from the outside but trust me it is really big. Kung tatantiyahin ay singlaki ito ng sala ng bahay namin. Kaya pa yatang maglagay ng swimming pool dito. It is well decorated in a very high fashion and glamorous design. Something I only see on movies. It's like a Queen's room. Kumpleto sa gamit na halatang mamahalin. Naghilamos lang naman ako at nagtoothbrush. Matapos iyon ay humarap sa salamin na naroroon. Ipinakita noon sa akin ang buo kong repleksyon.
I was tempted to look at my divine marking again. Tama nga si Rebal. I have a mark in here but what makes me curious is how the hell didn't I notice it when he already did? Parang may mali. Parang may lapse sa mga pangyayari.
"A divine marking of the fires from hell." I said to myself and almost talking to my reflection. "Rafaela Arcañum. Klara Delos Sinne. You're a beautiful woman."
Lumabas na ako ng comfort room at naupo na sa hapag kainan. Sandali ko lang tiningnan ang mga naroroon bago tinawag si Himig.
"Join me."
"Pardon?"
"I said join me." Ulit ko na ngayon ay tiningnan na siya. He looks confused. Mukhang hindi inaasahan na iyon ang sasabihin ko. "So, you are expecting me to eat all of these while you are just staring at me? Pinaghirapan mong lutuin itong lahat. Eat with me."
"Servants are not allowed to eat with their masters. It is one of the rules-"
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...