Kalahating oras ang lumipas. Nakaupo pa rin ako sa sofa at wala pa ring imik si Himig. Parehas kaming tahimik. Ako ay nag-aanalisa ng mga nangyayari habang siya ay hinihintay lamang kung ano ang maaari kong ipagawa sa kaniya. Panay din ang pagsilip niya sa may bintana upang tingnan kung may mga tao bang nakapansin sa pagpasok namin maliban kay Tita Lory. Rich said Rebal's body is missing at nakumpirma ko nga iyon kay Tita Lory din. Pinakamalaking palaisipan lamang sa akin kung nasaan siya at ang bangkay niya pati na rin kung siya ba ay buhay pa ngayon o hindi na.
Mga tuso ang mga kalaban ko. Dati man akong necromancer, mahirap sa akin ang buhay na ibinigay sa akin ngayon. Unang-una ay dahil hindi na kapareho ng kapangyarihan ko noon ang kapangyarihan ko ngayon. Ikalawa ay isa na akong taong may espesyal na kakayahan at tungkulin. I have a shell now. Limitado ang galaw na magagawa ko.
"The police will be here soon, Klara." Basag ni Himig sa akin. Hindi na niya yata napigilan ang sarili. "Nakita kong bumalik ang babaeng nakasagutan mo kanina at may kasamang isang lalaki. They were checking the house."
"So anong gusto mong gawin ko?"
"Leave." Sarkastiko nitong tanong. "Probably hide at least?"
"Why would I hide? Bahay ko ito."
"Your name is under a missing person's list at sa naging sagutan ninyo ng babaeng iyon, she must be thinking the other way. Mukhang ikaw ang pinaghihinalaan nila. Mukhang namamali sila ng paghihinala sa ngayon lalo na at pumasok ka rito sa bahay with a random man and a weird talk with that-"
"Do you think I see you even as a random man?"
Pinutol ko ang kaniyang sinasabi at sa wakas ay tiningnan na siya. He is confused and shocked for a moment ngunit sandali lang ang binilang at natawa ito nang mapakla.
"You might be blind if you can't see this mentality as a man."
Ako ang sunod na nagulat nang bahagya. I lost my mind for a minute. The way he spoke with that voice is an attack I never saw coming. Napakagwapo niya. Bakit nga pala isa siyang alipin ulit?
"So, if I want to view you as a man, I should look deeper on the way you think?"
"Bakit? Hindi ba iyon dapat? If you'll look for a man, never label a man as a man just because of how the way he looks."
"You mean I should be impressed by his mind?"
"Mind and action."
Napatango ako sandali. May punto siya.
"Siguro nga tama ka. I must have been blinded by his physical beauty after all." Tumatango-tango ako habang sinasabi ko iyon at habang napapagtanto ko na rin ang iilan sa mga maliliit na detalye ng nakaraan. "Or maybe, he only loved me because I am dangerous."
Nakita ko ang pagkagat ni Himig sa pang-ibaba niyang labi. Mukhang nadismaya ito at sa kabilang banda ay hindi mapakali.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasíaRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...