27: The Powerful Red

911 78 1
                                    

Tumakbo ako kung saan ako dinadala ng intuition ko. Sa bahagi kung saan medyo nagkakagulo na ang lahat. Malapit na sana ako roon nang bigla kong naalala ang ilan sa mga sinabi ni Himig sa akin kani-kanina lamang.

 

"Medyo nagkakagulo na rin. Ang sabi-sabi ay may nakapasok daw na impostor na asawa ng isa sa mga Primo rito. They are on alert."

Bigla tuloy akong nag-atubili. Mabilis na tumigil at para bumalik sa pinanggalingan ko. I think it is the best na wala munang makakita sa akin kahit sino dahil mukhang ako ang tagilid sa sitwasyong ito. I am already becoming the villain nang dahil may kapareho ako ng mukha sa nayon na ito at nakausap ko pa ang asawa niya. That only means I am the suspect. Ako ang sinasabi nilang impostor.

Should I really listen to Vane's idea? Should I really use men?

Kung tutuusin ay magandang ideya talaga iyon lalo na sa usapan sa nangyayari ngayon. I should use my brother's reincarnation here. He's the primmest of the prime. Siya ang masusunod dito ngunit sa tantiya ko ay gusto niya talaga akong pahirapan.

Nagtago muna ako sa may gilid ng isang building. Iniwasan kong sumandal doon dahil totoong mainit dito. Para kaming nasa disyerto. Pawis na pawis na rin ako bigla. Siguro ay nang dahil sa pagtakbo ko.

"I t-thought you ran?" Mayamaya ay sumulpot sa may likuran ko si Himig. Humihingal pa at nakatingin nang nagtataka sa akin. "Akala ko ay nandoon ka na at hinahanap ang unang agent mo. Saka hindi mo pa pala sinasagot ang tanong ko. Umiyak ka ba? Bakit?"

"Don't ask questions, servant." I hissed at him making sure he hears what his position is. Medyo nainis ako hindi dahil sa audacity niya para tanungin ako kung hindi ang tono niyang para bang isang overprotective na kakilala. "Nasaan na sina Vane?"

"I don't know. Hindi ba at sabi ko sa iyo kani-kanina lang ay nakasalubong ko siya at sa ngayon ay hinahabol na niya ang agent mo? Si Rich, nakita mo ba?"

"I didn't."

Tumango si Himig. Ako naman ay sumilip nang bahagya sa may building. Sa hindi lang pala kalayuan nagaganap ang kaguluhan. Sa nangyayaring ito ay mapapahamak pa yata kami. Siguro naman ay makakarating ito nang mabilis kay Damion. Hindi na ako natutuwa sa mga ganitong eksena. I need to finish this hunting game as soon as possible. I didn't sign up for this.

"Masyado pa namang mahina ang isang iyon at walang kalaban-laban. Puro ganda lang ng mukha. Tss. I pity him."

"Go on. Magtingin-tingin ka sa kaguluhan doon. Hindi ka nila pagsususpetsahan. Gather information there. Baka kasi kapag ako ang pumunta roon ay magkaroon ng isang malaking away. I don't need to create that mess. Hangga't maaari ay gusto kong umalis dito nang hindi nawawasak ang lugar just like what happened to my home."

"Aba ginawa mo pa talaga akong chismoso. Thank you, ha?"

Tiningnan ko nang masama si Himig nang dahil sa sinabi niya. Mukhang kailangan ko siyang sampolan ng totoong ako para hindi siya ganito kakomportable sa akin. I madly looked into his eyes warning him.

"Go, servant. I don't want to repeat myself." I said. "And when I do, you'll not like it."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon