16: The Beautiful Monsters

977 75 2
                                    

I heaved a sigh full of excitement. So, he is an agent. Tuwang-tuwa man ako sa kaniyang ipinapakitang aksyon, ang kaniyang pagyukod at paggalang ay mas napukaw ang atensyon ko sa kaniyang marka sa dibdib na halos ay siyang nangingibabaw sa dilim.

An ugly old lady.

Hindi ko maiwasang matawa nang mapakla. The first divine marking I saw was a very beautiful maiden and now it is an ugly old lady.

So, the world decided to give me the opposite now.

Nang oras na tumayo siya ay ako na agad ang lumapit sa kaniya. Mabilis at walang pag-aatubiling hinaplos ang kaniyang dibdib kung saan animo ba ay tini-trace ang bawat guhit ng kaniyang divine marking.

"Tell me more about yourself." I said as I touch him. Walang arte at walang malisya ngunit iba yata ang tama noon sa kaniyang sistema lalong-lalo na at diresto ang pagkakatingin ko sa kaniyang dibdib. Let alone the fact that he is half naked in front of me. "Impress me, agent."

Tumikhim siya. Ang kaninang matapang na mukha ay lumiwanag kasabay ang pagliwanag ng silid. And I was right again this time. The room is under a sorcery of some kind.

"Vane Buruka Crone. You can tell exactly what I should be from my name." He said as he started.

 

Isa ring palaban.

"And just like I have said, isa ako sa agents mo. Ang ikaapat. Ang pinagpala ng diyos na si Hukluban. "

(Vane Crone)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Vane Crone)

 

[Hukluban. In Philippine mythology, siya ang huling agent ng diyos na si Sitan na kayang magpalit ng kahit na anong anyong kaniyang naisin. Isang diyosang kayang pumatay o magpawala ng malay ng isang tao sa pamamagitan ng simpleng pagkumpas ng kaniyang kamay o kahit sa simpleng pagbati lamang. Kaya niyang gumamot ng walang kahirap-hirap kung kaniyang gugustuhin. Nang dahil dito ay siya ang pinupuntahan ng mga tao upang magpagamot ngunit hindi niya hinahayaang malulugi siya sa kaniyang gagawin. Kaya niyang manggamot ngunit may malaking kapalit sapagkat ang tulong ni Sitan ay para lamang sa mga karapat-dapat. Siya ang nagturo sa sangkatauhan ng panggagamot nang walang dahilan. Ang kaniyang pangalan ay literal na nangangahulugang 'crone' o 'hag' na sa tagalog ay isang matandang babae o isang matandang hukluban. Siya ang pinakamalakas na agent ni Sitan na may kapangyarihang manggaway o mangkulam.] 

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon