Vane's eyes look thrilled. Imbes na matakot ay mukhang natuwa siya sa sinabi ko pati na rin sa aking utos na animo ay isang hamon. He once again looked at Asrael's direction bago pa man ako makaalis sa harapan niya. Akala ko nga ay diretso na ang lakad ko para pumunta sa tabi at panoorin ang mangyayari ngunit sa ikatlong pagkakataon ay pinigilan niya ako sa braso.
"Are you sure, Klara? This town will be in wreck."
"You are surprisingly selfless, Vane. And yes, do it. May tatlong agent pa tayong hahanapin sa loob ng apat na araw. I don't want to see his face the third time."
"What is it to me then?"
Nangunot ang noo ko. Sa gitna ng panganib na kaharap namin ngayon at sa bilang ng mga kalabang nakabantay sa amin ay nagawa pa talaga naming mag-usap nang napakakalmado.
"Anong ibig mong sabihin?"
"As your agent, malakas ako but you accepting me as your agent will have a very crucial impact in my prowess. Kalahati lang ang lakas na ipinagkaloob sa akin at ang kalahati ay makukuha ko lamang kapag tinanggap mo na ako bilang tagasunod mo. And that surely applies to the other three of your agents left."
Mas nangunot ang noo ko. Sandali akong napaisip sa kaniyang sinabi sapagkat sa totoo lamang ay hindi ko alam kung ano ang rules na sinabi niya. Ni hindi ko nga alam na may ganoon palang eksena. Hindi na lang ako nagpahalatang naguguluhan ako at ngumiti. Marahan ko ring tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa aking braso.
"Let's see on how well you perform, Vane." Once again, I touched his chest. "Impress me."
Iyon lamang at umalis na ako sa harapan niya. Nagdiretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng bahay. Naupo ako sa may pinto para manood sa mangyayari. Napansin kong sumulyap muna sa akin si Vane saka natawa nang mapakla. He must be thinking something else every time I speak while touching his chest. Gayunpaman ay sumunod na agad siya sa akin.
"Asrael Wang, we are not here for battle. Wala kaming balak na mag-aksaya ng oras sa kalalaban sa inyo. I've killed a hundred and probably a thousand of your minions that you sent to tail me last week. Nakakatuwa lang ang effort mo, ano? Hindi ka nawawalan ng tiwala sa mga tauhan mo. Ano nga pala ang gusto mo?"
Muling itinusok ni Asrael ang kutsilyo kay Himig. Sa ngayon ay sa kabila naman na ikinakagat ko sa pang-ibaba kong labi. Muntik pa akong hindi makapagpigil at mapatayo nang makita iyon na sinabayan ng pagngisi ni Asrael. Hindi siya nakatingin kay Vane ngunit sa akin.
"Fuck you." I mouthed to him na ikinangiti niya nang mas malapad sabay bunot ng kutsilyo sa pagkakabaon sa balikat ni Himig.
This time, I heard Himig's cusses in pain. Halatang masakit ang nararamdaman niya. Namamawis na rin siya at namumutla. Malamang ay dahil sa biglaang pagkawala ng mga dugo sa kaniya. Ang isa pa ay dahil napapalibutan siya ng mga kalaban. Malamang ay alam niya rin o may ideya siya kahit papaano kung anong nilalang ang mga ito.
"K-klara. Leave." Si Himig. "A servant's life has no value. We can have an exchange in just a second. Umalis na kayo."
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...