"Paano?" Si Vane. "Parang naiintindihan ko na parang hindi ang sinabi mo. I don't want to admit that I am that dumb though."
"Sinaktan mo ang kapatid ko. Ayaw kitang kausapin." Agad na bumaling sa akin ang lalaki kaya naman mas napagmasdan ko ang kaniyang mukha.
Kamukhang-kamukha nito ni Amaya kahit na halata ang pagkainis nito. Para silang pinagbiyak na buko. Para bang lalaki at babaeng bersyon ng isa't isa. From that black ash hair and that frown and thick eyebrows, kuhang-kuha nila ang mukha ng isa't isa. Parehong-pareho rin sila ng skin complexion.
"Aalis kayo ng nayon bilang pain para umalis din ang kambal. Naiintindihan n'yo ba?"
"Huwag mo akong diktahan." Itinaas ko pa ang kanan kong kilay. Medyo mataas kasi ang kaniyang tono na hindi ko nagustuhan. Akala ko nga ay magrereklamo ito ngunit hindi pala. Yumukod siya nang bahagya sa akin bago muling magsalita.
"It is not what I meant, Klara Delos Sinne. By the way, my name is Amugay Sindak. Kapatid ni Amaya. Ako ang pinagpala ng diyos na si Silagan. Ang kapatid ng diyosang si Manananggal."
(Amugay Sindak)
[In Philippine mythology, he is the god of proper burial practices. His duty is to tempt people and to eat the liver of those who wear white clothes during mourning and take their souls in the depth of Kasamaan. This was the reason why the ancient Tagalogs usually wore vary-colored tapis or barrel skirts. He also punishes people who improperly bury loved ones.]
Hindi ko masyadong makita ang kaniyang marka sa dibdib at mukhang pangit naman kung sasabihin kong gusto kong makita ang dibdib niya. Hindi na lang ako nag-imik saka tumango nang marahan. Tiningnan ko na si Vane na ngayon ay nag-aatubili pa.
"Sorry, Amaya!" Nag-aalangan pang sigaw ni Vane sa kaniyang kinatatayuan sapagkat hindi siya makalapit dito. Nakabantay kasi si Amugay dito na nag-uumpisa na ring gamutin ang sugat na gawa ni Vane. "Bawi ka na lang next time na magkita tayo. Sugatan mo rin ako kung gagaan ang loob mo by doing that. Game ako roon."
"You'll regret that." Si Amugay.
Lumingon si Amugay sa akin at muling yumukod nang marahan. He even smiled a little na medyo nagpakiliti sa aking sistema.
He's cute.
"You can leave now. Maaasahan mo kami ni Amaya rito. Kita-kita na lamang tayo sa kaharian ng mga pinagpala bago ang inagurasyon." He said politely.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasíaRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...