Nanatili kaming nakikinig ng sigaw ni Kulture sa loob at mga malalakas na pagdadabog sa loob ng Salimbal. Naiinis na ako sa rindi niya ngunit hindi ako hinahayaang makaalis nina Vane at Himig. Maging sina Amugay nga at Amaya ay nasa likuran ko na at ang tatlo kong agent pa ay nasa unahan ko. Mukhang talaga namang ayaw nila ng gulo.
"Guys, relax. Trust me, hindi ako mangingialam."
"Shut the fuck up, Kulture Hymn!" Mayamaya ay sigaw ni Amaya. I can already picture out Amugay's face right now. "Hindi lang ikaw ang tao sa sasakyang ito and we would not want your screams to be the only thing we remember in this ride! I am ready to battle you right now kung iyon ang hinahanap mo-"
"Amaya Chatreussse Sindak! Sobra-sobra na talaga ang katigasan ng ulo mo."
"Sobra na kasi. Hindi niya ba alam na napakapangit ng sigaw niya? It's like an anxious bitch's scream. The fuck is wrong with her? Wala ba siyang manners? Kung mag-aaway sila ng kasintahan niya, at least don't let it bother everyone on board."
"Exactly my point." Sambit ko. Agad silang napakilos nang akma akong tatayo lalong-lalo na si Vane. "Relax, Vane. Sisilip lang ako sa ibaba dahil baka matagalan tayo sa taas at makalimutan ko na kung ano ang hitsura ng lupa. You can trust my words."
Hinayaan naman nila akong makaalis ngunit nakasunod pa rin sa akin si Himig at si Vane. Naupo ako sa may dulo kung saan matatanaw ko ang malawak na kalupaan. Papataas na kami nang papataas at siguro ay minuto na lamang ang bibilangin. Nag-uumpisa na ring sumikat ang araw at medyo mainit sa pakiramdam dahil mas malapit kami sa araw kaysa sa karaniwan.
"You'll finally going to see your reincarnated husband, Klara." Sambit ni Vane. "Talaga bang hindi na magbabago ang isip mo? As far as I know, mahal na mahal mo siya at siya lang ang hinihintay mo. Doesn't the situation bother you? Hindi ka nabibilisan sa mga nangyayari? Hindi ka nabibigla lang sa mga desisyon mo?"
Natawa ako sa sunod-sunod na tanong ni Vane. Tiningnan siya nang marahan sa kaniyang mga mata bago magsalita.
"The past life is more than enough for me to decide yet I only found the courage today. Hindi ako nabibigla sa desisyon kong ito kahit na ni katiting na ideya ay hindi sumagi sa isip kong posible pala itong mangyari. Yes, I will continue doing this. I finally got out of the romance zone I have been fighting for, hindi mo ba ako iko-congratulate?"
He heaved a deep sigh. Halatang nagdadalawang isip sa mga sasabihin niya at nalilito sa mga sinasabi ko. I understand him. Unang araw ko pa lang na makilala siya ay si Zeus na ang bukambibig ko ngunit ngayong huling araw na ay bigla biglang nagbago ang desisyon ko. And mind you, it is a mind-blowing decision. Kung malalaman ng lahat ito ngayon, it will probably rise my fame twice on how it is today.
"Congratulations but I will be honest that I am not that fully happy about your decision."
"That's enough. Hindi ko kailangan ng approval mo."
Siguro ay minumura na ako ng isang ito sa isip niya at gustong-gusto na akong sakalin sa ngayon. Muli siyang bumuntong-hininga at napailing. Hindi na rin siya nagsalita at nanahimik na lang. Gayunpaman ay hindi siya umalis doon. Sinamahan niya akong tumunghay sa kalupaan kasama rin si Himig.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...