Hanggang mabalik kami sa syudad ay wala akong kibo. Nananahimik pa rin ako at pilit na inaanalisa ang nangyari sa isla. It has been more than seven hours since that minute. Panay pa rin ang pagtingin ko sa salamin kung saan makikita ang repleksyon ng marka roon. Isang marka na animo ba ay mga apoy na pulang-pula. Sa kulay noon ay halatang galit na galit.
I just can't understand. Bakit parang mali yata ang pangitain ko noong isang gabi? Masyadong maaga ang mensaherong sumundo sa akin. At isa pa, those people named Dimitrie and Roullette bugged me up all night just thinking about what they have told me.
"It's time to end the history that made you trapped in this situation. Prove to me this time that history won't repeat itself."
Another proof that I am an incarnated woman.
"In the world you are about to lead, you can find them. End your curse, end your history."
Natawa tuloy ako nang mapakla at muling tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin. Nakipagtitigan doon. A perfectly imperfect face. An angelic face with the eyes of a demon.
Lumabas ako ng silid makalipas ang ilang minuto. Nakakailang tawag na rin kasi sina Mommy sa baba upang kumain na ng hapunan. Nakahanda na nga lahat nang makababa ako at ako na lang ang hinihintay.
"Klara, bakit kanina ka pa yata hindi nagsasalita? May masakit ba sa'yo?"
"Hang over, Mommy." I just said. "Nasaan na nga pala sina Rebal?"
"Pupunta raw muna sila ni Abby sa mall. They'll be back shortly. Dito raw sila matutulog."
Tinanguan ko na lang ang sinabi ni Mommy at tahimik na sumandok ng pagkain. Tahimik din kaming kumain. Mabuti na nga lang at hindi na nila ako kinulit pa. Nakatapos kami ng hapunan na walang nag-uusap. I didn't even bother answering their questions with sense maliban sa simpleng mga iling at pagtango. Ewan ko ba. Simula nang makita ko ang bulto ng lalaking iyon ay wala nang matinong emosyon ang naramdaman ko. Wala nang sumunod na positibong ideya sa akin. Ngayon lang ako nagkamali ng pangitain. Ngayon lang nagkagulo ang mga inaasahan kong pangyayari at iyon ang ikinababahala ko. Instead of the death of my parents ay mas nauna pa ang pagpapakita sa akin ng mensaherong iyon.
Dark Montes.
Sa loob ng halos isang oras ay nakatitig lamang ako kunwari sa television habang ilang metro lamang ang layo nina Mommy at Daddy sa akin. They are giggling because Dad keeps on making fun of Mom. Mayamaya pa ay dumating naman na sina Rebal. May dala silang tag-iisang paper bag. Ngingiti-ngiti si Abby sa akin na kumindat pa habang si Rebal ay mukhang nag-aalangan.
"Hi, Tito! Hi, Tita! We're here na po." Si Abby. "May pasalubong po kaming fruits kaya lang ay nasa kotse pa."
"Talaga? Thank you, ah!"
"Sure, no problem po."
Nagdiretso agad sa puwesto ko si Abby. Ibinigay din kakaagad sa akin ang dala niyang paper bag at iginiyang buksan ko na iyon. Sandali ko lang naman siyang tiningnan at parehas naming naintindihan ang ibig sabihin ng isa't isa. It's a gift. Suhol kumbaga. She told me last night about them leaving for Paris. Naintindihan ko naman kung para saan ito. Tinapik niya pa nga ang balikat ko at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasiRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...