06: The Connecting Kingdoms

1.6K 91 0
                                    

Literal akong napanganga nang lumapag ang barko sa isa sa mga ulap habang sinasalubong kami ng liwanag na mula sa ilaw ng tatlong palasyong magkakadikit ngunit iba't iba ang kulay. Kulay pula, kulay puti, at kulay asul. Magkakadugtong ang mga ito na nakalutang ngunit kung susumahin ay iisa lamang.

"Welcome to our world." Rich whispered to me na ikinagulat ko nang bahagya. Nakalapit kasi ang kaniyang mukha sa may tainga ko. "Three connecting palaces for all of us. Ang kulay asul ay para sa panteon ng mga pinagpala ng Kaluwalhatian at ang pula ay sa Kasamaan. The white one, more like a pale pink one, is for the individual assholes like me. Ang mga pinagpala ng Kalupaan."

"Bakit iba't iba ang kulay?"

"Gods are very territorial."

Tumango na lamang ako. Hinayaan ko siyang mauna sa pagbaba sa barko. Hinintay niya rin naman ako na makalapit sa main door kung saan may dalawang bantay na lalaki. They are wearing skirts na sa pagkakaalam ko ay tinatawag na 'bahag' ng mga tribal people.

"Maligayang pagdating sa Kaharian ng mga Pinagpala." One of them said.

Yumukod pa sila sa amin na animo ay gumagalang. Doon ko rin lang nabigyang pansin ang mga bolo na nakasabit sa kani-kanilang tagiliran. It looks huge. Matapos nilang yumukod ay ngumiti sila sa amin. Ang isa ang lumapit saka may inilabas na animo ba ay maliit na lapis na agad kong natandaan. This is the same one the messenger sent to me used to mark me on my chest. Itinutok niya iyon sa may dibdib ko.

"Siya ang pinagpala ng diyos na si Sitan. Klara Delos Sinne ang kaniyang ngalan." He then said.

I am quite amazed. They look like illiterate people from my perspective. No offense. Nakita kong ganoon din ang ginawa ng isa kay Rich at matapos iyon ay pinagbuksan na kami ng pinto. Akala ko ay manghang-mangha na ako kanina nang makalapag kami ngunit hindi pa. May imamangha pa pala ako. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa amin ang napakalaking espasyo. Isang espasyong sa tingin ko ay singlaki ng isang football arena. Ang ipinagkaiba lamang ay walang mga tao at benches. The weirdest thing about it is the fact that coconuts are planted instead of tall and more aesthetic trees. Gayunpaman, hindi maipagkakailang sobrang gaganda ng mga bulaklak na halatang iniingatan.

"This is where the inauguration will happen." Si Rich na animo ay nagmimistulang tour guide. Despite his annoyed look ay nakukuha naman niyang kumalma upang magpaliwanag. "Dito tayo susumpa sa ngalan ng mga diyos na pumili sa atin. And there, the seven golden moons will shine."

Itinuro niya sa akin ang itaas. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang napakalaking bilog sa bubong na gawa sa bubog. Nahahati ito sa pito kagaya ng sinabi ni Rich. But what even surprised me is the fact that the stars in the night and darkness shines even more prettier in here than I used to see it down on random beaches. Parang mas malapit lang sila sa akin dito ngunit ang buwan ay hindi man lamang sumisilip.

"During the shining of the seven golden moons, more than thirty of the chosen ones will be here. Nasa gitna kayong sampung kasali sa Trinity."

"Why are there seven moons?"

"The legends said we have seven moons to be exact at sa isang espesipikong gabi lamang iyon nagsasama-sama at nagiging kulay ginto. The night of the inauguration. Kaya bago pa sumikat ang pitong ginintuang buwan ay kailangang mahanap na rin ang iba pang kagaya natin."

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon