As I continue watching from where I am standing, it felt like I can feel his warm hug despite his wet body. It feels like I can still feel his touches while comforting me. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko ay ang pag-iyak din ni Rafaela roon. Niyakap niya pabalik si Zeus habang ako rito ay walang magawa kung hindi ang manood.
"I'm sorry. Ang tigas kasi ng ulo mo, e. Matuto ka ring makinig sa akin, hmm?"
That made me even cry. Ni hindi ko inalintana kung nakikita man ako ni Himig na ganito. It's just that it hits hard and different. Maybe I did not listen at all. I forgot to listen to his silent screams.
Napahagulhol na ako as the window stop letting me see again. Ang kaninang parang pinapanood kong sarili ko ay nawala. Napalitan ng isang normal na bintana kung saan makikita ang tanawin sa labas. Ang magarang hardin at ang maliit na tent malapit sa duyan.
"Guess you're just a broken woman with a broken soul, Klara Delos Sinne."
Kahit na nga umiiyak ay napalingon ako sa boses na aming narinig. Umalingawngaw iyon sa kabuuan ng mansyon at may kung ano roon ang nakakaakit. As I see who the owner of the voice is, my eyes grew fierce.
An agent.
Mula sa hagdang aming inakyat ni Himig kani-kanina lang ay dumating ang isang babaeng may mahabang puting kulot na buhok. May kalakihan ang kaniyang mata at matangos ang ilong. Namumula ang labi at maputi ang kaniyang mga balat. Matangkad siya at napakaganda ng postura. She's wearing a lot but almost nothing. Mahaba ang kaniyang suot na damit ngunit see through iyon. Para bang isang napakanipis na tela na kulay asul. Litaw na litaw ang kaniyang pagkababae at hindi maitatanggi ang napakagandang hubog noon. Dahil sa pananamit niyang iyon ay agad kong nakita ang kaniyang marka.
A divine marking of a witch holding a black snake on her palm.
Nagtama ang aming mga mata at doon ko naramdaman ang animo ba ay kaniyang mahika.
"The window is one of the sacred jewels of this mansion, Klara. Once looked into, it will let you see your deepest desire." mahinahon at nakakaakit nitong boses. "Your desire is to see your husband but your wildest fantasy desired on what went wrong and made you realize what it really is. Your desire is him, but your need is what went wrong on the past. And somehow, the window of fantasy knew."
Nagpahid ako ng aking luha. Inayos ang sarili saka sinalubong ang babae na may matapang na mata. As she continuously walks towards my direction ay mas lalo kong nakikita ang kaniyang ganda.
"Pleasure to meet you, Klara Delos Sinne. Ako ang iyong unang agent. Ang pinagpala ng diyosang si Manggagaway. Ang ngalan ko ay Valerie Salamangka."
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantasyRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...