26: The Same Looks

880 68 2
                                    

My heartbeat started to become heavy. Papalapit sa harapan ko ang isang lalaking kamukhang-kamukha ng lalaking hinahanap ko. Kamukhang-kamukha siya ni Zeus. From that dreamy eye and thick brows to that uneven yet gorgeous lips, he's all of it.

Zeus Kae, is this really you?

"Bakit? Anong nangyayari sa prinsesa ko?" He asked the lady that was holding my hand earlier bago tumingin sa akin. "Boo, what's happening?"

Nang tumingin siya sa aking mata ay hindi ko kinaya ang lahat ng nangyayari. How is this possible? Siyang-siya si Zeus. Ang asawa ko. But what is he doing here? Bakit at paano ako natawag ng babae bilang Primo Rafaela? I'm confused.

"Boo, you're pale." Si Primo Ziyous na agad na lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Kaagad akong napapitlag at umiwas sa kaniyang kamay. "You smell funny. Nakainom ka ba? Lumabas ka ba ng nayon just to drink beer? That's cute, boo."

Mas lalong nangunot ang noo ko nang yakapin niya ako nang biglaan. Ni hindi ako nakalaban nang ipulupot na niya ang kamay niya sa aking baywang. The moment his chest touched me, I got to feel his heartbeat and that made my heart even heavier.

Bakit ang sakit?

The memories came back. All the emotions sink in though I am not even sure if this is really Zeus Kae. If this is really the reincarnation of my husband.

"Y-you," Nauutal ako at iyon lang ang tanging salitang lumabas sa aking bibig.

Hinagod niya ang baywang ko sa marahan ngunit mahigpit na paraan. He then kissed the top of my head and whispered.

"Bakit ka nang-iwan?" That question hit different that made me cry hard all of a sudden.

Wala na akong nagawa kung hindi ang humagulhol. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. It hits hard and different. Wala pa namang kasiguraduhan kong siya nga si Zeus but it feels like him.

"Hala. Bakit ka umiiyak, boo? Joke lang, e. Puwede ka namang lumabas ng nayon to drink alone."

Mabilis siyang kumalas sa yakap saka hinawakan ang magkabila kong balikat. Doon ay tiningnan niya ang mata ko habang ang mukha niya ay napakalapit sa akin. Nawala ako sa sarili ko. Habang tumutulo ang luha ay nakatitig sa mata niya.

This is not me. This is not you, Rafaela.

"Hinawakan ko ang kaniyang kamay kanina, Primo Ziyous. Nanlalamig siya at nang basahin ko ang kaniyang palad ay kakaiba ang kaniyang lakas at enerhiya. Maaaring hindi maganda ang kaniyang pakiramdam. Iyon marahil ang dahilan kung bakit siya umiiyak."

Lumingon si Primo Ziyous sandali sa babae. Ginawa kong pagkakataon iyon upang tanggalin ang kamay niya sa pagkakapatong sa magkabila kong balikat. Tumakbo ako papalayo at agad na pumasok sa pinakamalapit na pintuan. Mabilis ko rin iyong ini-lock. Mabuti na nga lamang at wala akong nakitang ni isang tao sa loob.

"Mrs. Rafaela Bana!" Narinig ko ang sigaw ni Primo Zeus.

Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon