Nakarating ang tatlo sa aming harapan makalipas ang ilang sandali. Hindi ako nabored na panoorin sila sa kani-kanilang paglalakad dahil unang-una ay magaganda sila. Ikalawa at huli ay in sync sila kung lumakad.
"Magandang umaga, Klara Delos Sinne." Sambit ng naunang babae. The same woman with flowers on her head as a crown. Yumukod ito sandali sa akin at ngumiti. "We are glad that you are safe and sound. On behalf of everyone, we welcome you. Ako si Maria Cassiopeia Aragon. I am the chosen one of the diwata who is famously known as Maria Makiling. "
(Maria Cassiopeia)
[ Maria Makiling. In Philippine mythology, she is said to be a mysterious fairy guarding the mountain of Makiling. Walang nakakaalam kung ilang taon na siya. May ibang naniniwala na singtanda na siya ng bundok na kaniyang binabantayan. There are a few people who have seen her (kadalasan ay naglilibot sa kagubatan). Sinasabing siya ay matangkad at kaaya-aya na may kayumangging balat, malalim ang itim na mata, at may buhok na sumasayad na sa lupa. Deer hunters have seen her standing on the edge of a cliff on moonlit nights with her hair floating in the air and her voice echoing throughout the deep valleys as she sings.
She likes to appear especially after typhoons. She'll straighten up broken trunks, papalitan ang mga pugad sa mga sanga ng kahoy, gagamutin ang mga nasirang pakpak ng mga paru-paro, at muling kakanta ang mga ibon at makakalad ang mga usa. Kilala rin siya bilang isang babaeng may mabuting puso. Minsan siya ay magkukunyaring isang batang babae at tutulungan ang mga mangangahoy sa gubat lalong-lalo na ang mga matatandang babae. Naglalagay din siya ng ginto, mga barya, at alahas sa mga kahoy na kanilang nakuha. Minsan din ay mag-iimbita siya sa kaniyang bahay ng mga pagod na mangangaso at papagsilbihan ng pagkain at inumin. Nagbibigay din ito ng mga regalo kagaya ng luya na nagiging ginto kapag nakauwi na ang mangangaso.
Marami sa kaniyang natulungan ay marunong tumanaw ng utang na loob. Nag-aalay sila ng manok na wala pang isang taon sa paanan ng bundok na may singputi ng gatas ang balahibo sapagkat iyon ang paborito ng diwata. Minsan din ay nagkukunyari itong pulubi upang subukin ang kabaitan ng isang tao. Ang mga taong tumangging tulungan siya ay hinahabol papalabas ng bundok habang naririnig ang galit na sigaw ng mga halimaw na nagtatago sa madidilim na parte ng kagubatan. Ngunit habang lumilipas ang panahon ay hindi na siya gaanong nakikita ng mga tao. She stopped helping people. Sinasabing ang dahilan daw ay maaaring ang pang-aabuso ng mga tao lalong-lalo na sa kalikasan, ang mga taong hindi siya tinulungan, at ang sobrang pangangaso at pagpuputol ng mga kahoy sa gubat.]
"It is an honor to finally see you and introduce myself to you." Dugtong pa ni Maria Cassiopeia. Hindi nawawala ang ngiti nito sa kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
Demoiselle of Omens (Trinity Series 1) Soon To Be Published Under IMMAC PPH
FantezieRafaela Arcañum decided to end her own life after watching her husband die in front of her. Her siblings gave her the funeral she deserves and promised to reincarnate them as normal humans. But little did they know, someone higher than them gave her...