CHAPTER 17

2.6K 88 22
                                    

"NAY KAILANGAN niyo ba talagang bumalik ng lungsod?" Tanong ni Thadei sa kanyang ina. "Sa susunod na araw na lang po kayo pumunta doon.." Lambing niya sa kanyang ina.

"Naku anak, alam mo naman ang tatay mo kapag nakakapunta ng lungsod at dumadalaw sa tiyuhin mo at kumpare niya, napapasabak sa giyera ng inuman." Parehas pa silang natawa sa huling salitang ginamit ng kanyang nanay.

"Pero nay naman kasi.. Dalawang araw ko pa lang ulit kayo nakakasama.. Namimis ko na po kayo ni tatay." Aniya sa kanyang ina na nakatitig din sa kanya.

Hinaplos ng nanay niya ang mukha niya at nakaukit sa mga labi nito ang ngiting hindi niya maipaliwanag.

"Talagang ma swerte kami sa iyo Dei anak.. Araw araw akong nagpapasalamat sa panginoon na ibinigay ka niya sa amin." Madamdaming sambit ng kanyang ina.

"Mas ma swerte po ako! Kaya sige na nay ipagpaliban niyo na ang pagpunta sa lungsod." Ungot niya pa rin sa ina.

"Anak babalik din naman kami kaagad ng nanay mo." Di nila namalayan na nakabalik na pala ang kanyang tatay mula sa pag arkila sa bangkang de makina na sasakyan ng nanay at tatay ni Thadei.

Humugot ng malalim na hininga si Thadei. Hindi siya mapalagay. Kanina pa kabog ng kabog ang kanyang dibdib sa di niya malamang dahilan.

"Basta nay, tay... Bumalik kayo agad.." Sabay yakap niya sa kanyang mga magulang.







INIHATID ni Marco at Thadei ang magulang sa may dalampasigan. Niyakap ulit ni Thadei ang mga magulang.

"Mag iingat po kayo sa byahe nay tay." Nangiti na lang ang kanyang magulang dahil parang ngayon lang naranasan ni Thadei ang maiwanan sa isla.

Bago sumampa sa bangka ang kanyang ama may hinugot muna eto sa loob ng bag. Isang puting supot.

"Ano yan tatay?" Tanong ni Thadei sa ama.

"Nakalimutan ko, mga seedlings ito anak. May mga flower seeds at prutas at iba pa." Sabay abot sa kanya. "Itago mo muna anak, nakalimutan ko yang iuwi sa bahay. Itatanim ko yan pagkabalik namin." Humalik ang tatay ni Thadei sa kanyang noo. "Mag iingat kayo lage dito ni Marco. At Marco?"

"Ano po yun tay?"

"Bilisan na ang paggawa ng apo ko para may dahilan na kaming hindi pumunta ng lungsod." Bulalas ng tatay ni Thadei.

Namula si Thadei sa tinuran ng ama. At ng tingnan niya ang mukha ng kanyang asawa, kinurot niya ito sa tagiliran dahil ang lapad ng ngiti nito at kinindatan pa siya.

"O siya aalis na kami mga anak." Paalam ng tatay ni Thadei sa kanila ni Marco.

Yumakap ulit ang ina at bumulong sa kanya. "Maging matapang ka at panatilihin mo ang kabutihan sa puso mo mahal naming Thadei.."

Kagaya ng ama niya ay hinalikan din siya ng ina niya sa noo bago ito sumakay sa bangka.

Kinawayan nila ang mga magulang habang papalayo ang bangkang sinasakyan ng mga ito.

Hindi alam ni Thadei kung bakit biglang tumulo ang kanyang luha na pinahid agad ni Marco gamit ang palad nito.

"Baby.. Why are you crying?"

Niyakap ni Thadei ang asawa. "Hindi ko alam Marco.. Kanina pa ako nakakaramdam ng ganito.."

"Ssshh.. It's alright. I'm here wife. I'm here.." Pang aalo ni Marco sa asawa.

Habang nakayakap sila sa isa't isa ay bigla silang nakarinig ng malakas na pagsabog kaya't agad na lumingon si Thadei sa karagatan at ganun na lang ang gimbal niya ng makita niya na ang pagsabog ay nagmula sa bangkang sinakyan ng kanyang mga magulang.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon