CHAPTER 21

2.5K 99 60
                                    

3 years later..

"Thank you for choosing Little First Flower City ma'am. Makakaasa po kayo na magiging bongga ang flower arrangement para sa kasal ng anak niyo!" Masiglang bulalas ni Cel sa bago nilang kliyente na hindi basta basta ang estado sa buhay dahil may ari lang naman ito ng isang airlines sa Pilipinas.

Ngumiti ang ginang kay Cel. "Naku, maraming salamat sa serbisyo niyo din. Nagustuhan ng anak kong si Mariel ang flower arrangement niyo sa engagement party niya kaya kinuha ko kayong muli para naman sa kasal ng anak kong lalaki."

Napapalakpak si Edracel dahil alam niyang malaking magbayad ang costumer nilang ito. "Paki fill up lang po ng form na ito ma'am para ma process natin ang mga gusto niyong bulaklak." Inabot niya dito ang ballpen at fill up form.

Dumako ang tingin ni Cel ng bumukas ang pintuan at pumasok doon ang may ari ng flower shop na pinagtatrabahoan niya.

"Good morning ma'am Ade!" Pagbati niya rito.

Ngumiti naman si Ade sa kanyang masipag na sekretarya. "Magandang umaga Edra. Kumusta ngayon?"

"Okay lang po ma'am! Mabuti po at nandito kayo ngayong araw." Saka nabaling ang tingin nito sa mga bulaklak na dala niya. "Hala ma'am Ade! Kay gaganda naman ng mga sunflowers na iyan!"

Napangiti si Ade sa turan ni Edracel. "Hmm. Namulaklak na sila. Actually, may nag order na nito pero 2 bundles lang. May 2 bundles pa ako dito kaya ikaw na ang bahala Edra, okay?"

Nilingon ni Edracel ang mayamang ginang, "Madam baka gusto niyo po bumili nitong mga sun flowers? Fresh from the farm po ito."

Nadako ang paningin ng ginang sa mga bulaklak sa harap niya. "Ay oo nga, ang gaganda naman niyan! Sige, kukunin ko na ang dalawang bundles. Siguradong magugustuhan 'to ng anak kong si Lander. Mahilig kasi ang fiancee niya sa mga bulaklak." Masayang sabi ng ginang.

Napatda si Ade sa sinabing pangalan ng ginang pero ipinagsawalang bahala niya lang iyon. Baka kapangalan lang niya iyon.. Ganito na siya kapag nakakarinig ng mga pangalan na kaparehas ng mga kaibigan niya sa isla. Mga kaibigang iniwan niya para sa ikabubuti ng mga ito.

Tinungo niya na ang pintuan patungo sa maliit niyang opisina. Akmang pipihitin niya na ang door knob ng pintuan ng marinig niyang magpaalam si Edracel sa kanilang kliyente.

"Salamat po ulit madam Liza! God bless po."

Binitiwan ulit ni Ade ang doorknob at tinungo ang si Edra sa kanyang kinaroroonan.

"Kliyente natin siya Edra?" Tanong niya sa magandang sekretarya.

"Oo ma'am. Twice na ngayong taon. Tayo ang kukunin niya para sa flower arrangement ng kasal nung anak niyang lalaki."

"Kailan naman yon?" Natanong niya. Gusto niya ngayong sumama at siya ang mag supervise sa konti niyang empleyedo.

"Dalawang linggo mula ngayon ma'am. Sabi nga ni madam ay dadalhin niya po dito ang anak niya at ang mapapangasawa nito. Baka may gusto pa daw itong idagdag na mga bulaklak. Garden wedding kasi ang theme ng kasal nila dahil request daw po iyon ng mamanugangin niya." Paliwanang ni Edracel kay Ade.

Nag aalangan man ay isinatinig na rin ni Ade ang isang katanungan sa isipan niya. Hindi kasi siya minsan nakakasama dahil may mga inaasikaso din siya sa farm. "Hindi naman maselan ang kliyenteng ito ngayon, tama ba?"

Iyon ang isa sa ayaw niya, ang magkaroon ng maselang kliyente. Isang beses na iyong nangyari sa kanila at ayaw niya ng maulit pa iyon.

Masyadong maselan ang kliyenteng iyon at sa sobrang kaartehan nito ay itinapon nito ang ibang bulaklak na nagpakulo talaga ng dugo niya kaya after nung party nito at nagsabing sila ulit ang kukunin sa flower arrangement ay umayaw na siya. At kahit anong pilit nito sa kaniya ay hindi na ito nakatikim pa ng "oo" niya.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon