"ARE YOU ready to go back to Isla Amore, baby?"
Nasamid si Thadei sa biglaang tanong ng asawa niya sa kanya. Napainom tuloy siya ng tubig ng wala sa oras. Nasa isang restaurant sila ng mga oras na iyon kasama rin sina Edracel at Chin habang nagtatanghalian.
Sasagot na sana siya ng biglang magsalita si First. "Tenang, stop looking at my papa. Momma will be mad." Naka-pout na sabi ng anak niya.
Tumawa naman si Chin habang kinakamot ang pisngi niya. "Sorry little First. Ang pogi naman kasi ng papa mo e! Mas pogi pa sa mga artistang crush ko." Saka tumingin naman ito kay Thadei. "Ate, totoo ba yang asawa mo? Parang hindi e. Pwede pakurot?" Biro pa nito sa kanya.
"Ako na lang ang kukurot sayo. Gusto mo, ha? Chin?" Tinaasan pa ni Thadei si Chin ng kilay.
Habang si Chin naman ay tumawa lang. Si Edracel naman ay patuloy lang sa pagkain at panaka-naka ay mapapangiti sa kanila.
"Si ate naman, hindi na mabiro. Pero ate? Wala ba siyang kambal? Baka naman 'te. Balato mo na sa'kin." Tumawa na naman ito.
"Umayos ka couz'— nakakahiya kay Sir Marco." Biglang saway ni Edra kay Chin.
"'To naman, ang kj. Malay mo naman may katulad din ni Sir Marco na magkagusto sa akin tapos magpapakasal kami ng bongga tapos bibiyayaan kami ng isang anak na kasing-pogi ni Knight. O di ba? Ang gara nun. Di ba couz'? Di ba? Di ba?"
Sinubuan ni Edracel ng pagkain si Chin. "Iyang bunganga mo talaga kahit kailan hindi mo kayang e-zipper."
"Paano nazizipper ang bunganga Ninang Edracel?" Biglang singit na naman ni First.
Nakangiwing ngumiti naman dito si Edracel na hindi alam kung paano sasagutin si Knight sa tanong nito sa kanya. Kaya sinubuan niya na lang ulit ng pagkain ang anak.
Mukhang namamana kay Chin ang ugali nitong pagkamadaldal.
Si Marco naman ay tumawa ng bahagya dahil sa mga naririnig sa mga kasalo nito sa mesa.
Nang matapos silang kumain ay inihatid na nila ang dalawa sa flower shop dahil walang pasok ngayon si Chin kung kaya tutulong ito sa shop, pero may sahod din naman ito mula sa kanya.
Tinutulungan rin naman ni Edracel kahit papano si Chin sa pag-aaral nito ngunit hindi iyon sapat dahil nursing ang kursong kinukuha nito.
Napag-usapan na nila ni Marco na sila na ang gagastos sa lahat ng kakailanganin ni Chin sa pag-aaral. Marco wants to pay back to the girls who took good care of her and First, at ang pagpapa-aral kay Chin ang naisip nitong tulong para naman daw makabawi ang asawa niya.
Hindi niya hinayaang tumanggi si Chin dahil alam ni Thadei kung gaano ka-devoted na estudyante si Chin at deserve nito ang full support galing sa kanila ng asawa niya.
Inihabilin niya rin muna ang bahay kay Chin at Edracel dahil ang gusto ng asawa niya ay sa condo sila mananatili.
NANG makarating sa magarang condominium building na pagmamay-ari pala ng asawa niya at ng mga kaibigan nito ay dumiretso agad sila sa elevator. Ibinigay na ni Marco ang susi ng kotse sa isang security guard at ito na daw ang magpapark sa kotse.
Sumakay na sila ng elevator, karga-karga ni Marco si First Knight, at nang akmang sasara na ito ay nakita niyang hinarang ito ni Lander.
"Teka lang naman!" Saka nito pinaunang papasukin ang fiancee nito bago ito sumunod.
Ngumiti siya kay Zaira at ganoon din ito sa kanya.
Nang sasara ng muli ang elevator ay humarang naman dito si Tres.
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...