CHAPTER 1

6.4K 179 53
                                    

"DEI? Dei, anak? Gumising kana dyan at pupunta pa raw kayo sa bukid para maghanda ng padespidida kay Czaren. Andyan na sa baba si Julie."

Mga katok at salita ni nanay ang nagpagising sa akin mula na naman sa isang panaginip.

"Marco.." Napahawak ako sa dibdib ko, ang parte kung nasaan ang puso ko.

Napanaginipan ko na naman siya. Panaginip kung saan inaangkin niya ako at ako naman ay buong pusong tumutugon sa kanya.

Panaginip na tanging si Marco lang at ako, sa isang tree house, at nakikita namin ang mga bituin sa langit.. Mainit na nagtatalik..

Bigla akong nakadama ng panlalagkit at napatingin sa ibaba ko. Dinama ko ang akong panty at napangiwi ako nang makapa na basa ito.

"Mahabagin! Bakit laging ganito?"

Gigising sa umaga. Nanlalagkit.. hala! Baka hindi na ako birhen dahil palagi akong nananaginip sa kanya!

Sa isiping 'yon ay bigla akong napabangon at dali-daling pumunta sa banyo upang maligo at sinabon ng maigi ang aking katawan. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pulang bestida na may mga rosas na disenyo.

Mahilig ako sa mga bestida kaya kapag nagpupunta si nanay sa bayan ay hindi siya nakakalimot bumili ng mga paborito kong suoting damit.

Pagbukas ko ng pintuan sakto naman na kakatok pala si Julie, isa sa mga inosenti kong kaibigan. Muntik pa niyang makatok ang noo ko.

"Happy birthday!" Biro niya. Napasimangot tuloy ako sa sinabi niya.

"Hindi ko birthday Lie, parang di mo alam yun ah?" Taas ang kilay na sabi ko.

"Hay naku Dei, bakit biglang sungit mo ngayon? Di ka ba nilabasan- sa panaginip mo?" Tapos tumawa pa siya na parang bruha. Tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig kami nila nanay na nasa kusina lamang.

"Bibig mo ha! Tatahiin ko yan. Hinaan mo nga ang boses mo. Baka sabihin ni nanay na malibog ang anak niya." Nakasimangot pa din na sagot ko.

"Ikaw kasi, alam mo naman na binibiro lang kita. Bakit ba kasi nakapula ka? Eh di ba ang pula, para sa may birthday lang?"

"Sinong nagsabi sayo? Yung kuya mong onggoy?" Sabi ko. Siya naman ang napasimangot. Kaya tumawa ako at inaya ko na siya sa kusina. Nandoon na rin ang hapag kainan namin. Hindi naman malaki ang bahay namin. Gawa sa matibay na kahoy at may dalawang kwarto lang, isang sala na may mga kawayang upuan tapos may pader na gawa din sa kahoy ang nakaharang at kusina na namin.

"Bruha hindi unggoy ang kuya ko, kaya nga nagkakandarapa si Ren dun e!" Napapahagikhik pa siya. Kaya tinampal ko ang braso niya.

"Geh ka marinig ka ni Czaren. Alam mo naman secret natin yun di ba? "

Nag-apir kami at nagkatawanan. Sinaway naman kami ni nanay at dumulog na kami sa hapagkainan.

Halos ganito araw-araw. Pupunta si Julie dito para mag-agahan.

Parang wala sa kanilang pagkain, e mas may kaya sila sa amin saka isang guro ang kuya Nate niya at sa siyudad ito nagtatrabaho.

Baka nga ang onggoy na yun ang dahilan kung bakit aalis si Czaren upang pumunta ng siyudad para magtrabaho. Nalungkot tuloy ako sa isiping mababawasan na naman ako ng kaibigan dito sa isla.

Si Iris kakaalis lang no'ng isang buwan. Mangingibang bansa daw siya at tutulungan siya ng tiyahin niya para mapadali ang pag-alis niya. Isinama niya na rin si Loida na gustong-gusto makakita ng snow sa ibang bansa.

Mabuti pa sila... Pero mas masaya ako dito sa isla-

"Anak bakit malungkot ka?"

Napaangat ang tingin ko kay nanay, napansin niya pala na malungkot ako.

𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon