"YOUR highness." The soldier bowed down at Marco who was just silent at the living room. "We found their traces. They're still here in the island."
Napatiim-bagang si Marco at napakuyom ng kamao. "What are we waiting for? Come on!" Bahagyang sigaw nito sa mga sundalo.
Tumayo naman si Thadei sa pagkakaupo sa long sofa at nilapitan ang asawa. "Husband, sasama ako."
"No wife. It'll be dangerous. At hindi natin alam kung hanggang saan o ano ang kaya nila. Please... Stay here. Ako na ang bahala sa lahat—"
"No! Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita ang anak natin!" Bumalalas na siya ng iyak. She's so frustrated right at this moment.
Niyakap siya nang mahigpit ni Marco. "Hush now baby... Please don't cry. Nahihirapan na rin naman ako. Gustong-gusto ko nang mahanap ang anak natin pero— ayaw ko naman na pati ikaw ay mapahamak. Please wife? Dumito ka lang. I promise, we'll be back, safe."
Kumawala siya sa yakap ng asawa at sinapo ang mukha nito, kapagkuwa'y hinalikan niya ito sa labi nang mariin. "Sige. Pero, please... mag-iingat ka mahal ko.. Maghihintay ako rito. Maghihintay ako..."
Naisip din ni Thadei na baka maging pabigat lang siya sa asawa kaya hihintayin niya na lang ang mga ito. Magdadasal siya para sa kaligtasan ng mga ito.
"I love you baby." sambit nito at masuyo siyang hinalikan sa labi.
"Mahal din kita. Mahal na mahal." Tugon niya sa asawa.
MALALIM NA ang gabi pero nasa sofa pa rin ng kanilang living room si Thadei. Hindi siya mapakali. Kanina pa nakaalis ang asawa niya kasama ang ibang sundalo nito ngunit wala pa rin siyang balita sa mga ito.
Maya-maya ay pumasok ang isang sundalo na humahangos pa habang papalapit sa kinaroroonan niya.
"Your highness." Saka ito yumukod sa kanya na kaagad niya namang ikinangiwi. Hindi pa rin siya sanay sa t'wing tinatawag siyang kamahalan.
"Bakit po kayo humahangos?" Di niya napigilang magtanong.
"Nasugatan po si Prinsipe Marco, pati na rin po ang anak niyo, at ipinasusundo niya po kayo sa akin."
"Ano?!" Nagimbal si Thadei sa narinig. "Nasaan sila? Puntahan na natin ang mag-ama ko! Nasaan sila?!"
Her mind was in chaos. Pakiramdam niya'y anumang oras ay sasabog na siya. And she feels so frustrated right now.
Bakit ba hindi matahimik ang buhay nila?
Bakit ba ginugulo sila?
Napasabunot si Thadei sa kanyang buhok. Nagpatiuna na sa kanya ang sundalo at binuksan ang isang sasakyang hindi pamilyar sa kanya. Pero hindi niya na binigyang-pansin iyon at sumakay na lang siya.
Sobra siyang nag-aalala para sa kalagayan ng asawa't anak niya.
"Saan dinala ang asawa't anak ko?" Maya-maya'y tanong niya habang tinatahak nila ang daan patungo sa pupuntahan.
Tinanggal ng sundalo ang sombrero nito, at tiningnan siya mula sa rear-view mirror, at ngumisi ito.
"Sa impiyerno."
Nanlaki ang mga mata ni Thadei at nang akmang lalabas na siya ng sasakyan ay biglang may panyong pinaamoy sa kanya na naging dahilan nang pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata.
Bago siya mawalan ng malay ay narinig pa niya itong nagsalita.
"Trabaho lang. Walang personalan."
BINABASA MO ANG
𝐼𝑛𝑜𝑥𝑒𝑛𝑡𝑒𝑠 1: 𝒮ℯ𝒾 𝒯𝓊𝓉𝓉ℴ 𝒫ℯ𝓇 ℳℯ♡
RomanceThadei only wants a peaceful and happy life in Isla Amore. Just being with her parents and best friends is already enough for her. But an unexpected event rendered her speechless and changed the course of her life on the island. She met the mysteri...